CHAPTER 16: SHE SMILED AT ME

499 26 0
                                    

Cyan Guttierez Pov

Nasa hospital kami ngayon para i-pacheck up si Kill,

Grabe talaga yung pagkulat namin ng, mawala bigla ang alaala niya.

Siguro malalaman namin, kung ano ang ginawa niya bago pa mawala yung memorya niya.

"Dito na lang kami maghihintay ni Ate Flor" saad ko. Habang umupo sa Upuan

"Sige Mira, dito na lang kami" saad ni Ate flor

"Okay" saad niya at pumasok na sa Loob ng Kwarto ng Hospital.

medyo nakakapanibago, pero Si Kill ay si Kill, kaya kailangan namin gawin lahat para bumalik na siya dati

"Taki, wala ka bang balak ligawan si Miracle?" Tanong ni Yaya saken na may seryoso ang Tono.

"Siguro hindi ko po muna aalahanin yun Ate Flor, ang mahalaga ay mabalik na yung alaala ni Kill, at isa pa. Di ko alam kung ano nararamdaman niya" saad ko

"pero alam naming lahat na gusto ka ni Miracle, ikaw lang ata di nakakaalam" saad niya.

"Hindi muna ako maghihinala, Gusto ko marinig mula sakaniya yun" ngiting saad ko. Sisiguraduhin ko muna na totoo yun dahil lagi naman inaakala nang mga nakapaligid samin ay Ganun

"Ikaw bahala" saad Niya. At tumango na lang ako

Maya maya pa ay Lumabas na sila sa loob

"Kayo ang kasama niyang Pumunta dito diba?" Tanong ni Doc
"Opo" sagot ko.

"Wag kayong mag alala sa kondisyon nya, dahil ayos lang siya. Kaso may Onting Problema" saad nito kaya patuloy lang kaming nakinig

"Napagod ang Utak niya kakaisip, yun ang posibleng dahilan kung Bakit nawala ang Memorya niya. Kwentuhan niyo lang siya, at dahan dahan niyong ipaalala sakanya kung sino siya, maaaring maibalik agad ang kaniyang alaala sa loob ng isang linggo, depende na yun sa kanya" pagpapaliwanag ni Doc, kaya Tumango kami

"Doc, may kailangan po bang gamot na inumin si Miracle?" Tanong ni Ate Flor.

"Eto yung, gamot na iinumin ng Pasyente, nakalagay narin diyaan kung anong oras siyang iinom" saad ng Doctor habang inabot yung Reseta

"Maraming salamat po" saad ko, at umalis na si Doc

"Taki, mauna na kayo ni Mira dun sa labas, magbabayad lang ako at bibilhin ko na yung Gamot ni Mira" saad ni Ate Flor kaya tumango na lang ako

"Kill, tara na" saad ko, kaya tumango lang din sya saken at naglakad na kami

Habang naglalakad, hindi ko mapigilang isipin kung ano yung nasa isip ni Kill, kung bakit napagod ang Isip niya.

Lagi syang nakangiti sa amin, Lagi ko naman Tinatanong kung Ayos lang ba siya. Kung meron ba siyang Problema

Basta ngayon, gagawin ko lahat ng makakaya ko. para mabalik lang siya sa dati

Sayang nga, hindi man lang nakapag paalam si Kuya kay Kil, kung nandito lang talaga ngayon yun, mag Kwe-kwento yun ng marami

Kaya ko rin naman gawin yun.

May umaasa din sakin na magagawa kong pabalikin yung alaala niya, si Tita.

"Cyan, sabagal na ba ako sayo?" Bigla niyang tanong, kaya nagulat naman ako dahil ano naman kaya ang pumasok sa isip niya, at inakala niyang Sabagal siya para saken

Pero, Hindi Talaga ako sanay na Tawagin nya akong Cyan

"Hindi ah, Sa tagal pa naman ba natin na magkasama magiging sagabal ka pa saken?, isa ka sa taong mahalaga sakin, kaya hindi mangyayari yun" saad ko habang ngumiti sakanya

I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon