Miracle Markill Garcia Pov
"Okay late ulit tayo" saad ko habang kanina pa hinihintay si Taki Dito sa bahay
Kaya nagdesisyon na ako sa buhay na tawagan na sya
ring ring*
toot. (Answered)inhales
"bat antagal mo, malalate tuloy tayo" sigaw ko mula sa Telepono"Dahan dahan, nakakain ka na?" Tanong niya saken. Hala pafall . Char
"Opo, ikaw?" Tanong ko sakanya
"Oo kanina pa, Saglit lang nagpapatulong kasi Dito si Mama" saad niya kaya huminahon ako"Sige take your time, Basta wag lang masyadong late ha?" Saad ko sa Telepono
"Opo" saad niya. Kaya binaba ko na agad yung Cellphone.Minsan din ang Unfair ko e, kapag ako dahilan, di naman siya masyadong nagrereklamo, tas wala pang rason. Tas siya pa na mas mahalaga, ako pa yung Galet.
Maghintay nga e! Maghintay!
Kagaya ng paghihintay mo sakanya sa mahabang panahon, char. Bat ba andrama ko
Hindi pa rin ako nakaka move on nung nangyari kagabi. Basta naalala nyo?, WhAaaaa kapag iniisip ko lalong tumitibok yung puso ko e, tumitibok naman talaga i mean mabilis kasi. Nakalimutan lang i type ni Author.
Tamad mag Back space
"pspspsp Cyacle, pspsppsps cyacle pspsppsps" pagtatawag ko kay Cyacle kaya pumunta ito saken, kaya binuhat ko siya at hinimas himas yung ulo niya.
"Why so sweet, wag mo gayahin si Tamira. Masyadong maattitude" natatawang saad ko. Pero wala talaga aking problema sa mga ma aattitude hehe
Ilang sandali pa ay narinig ko na si Put put (pot pot) basta busina.
Lumabas ako kaagad at, sinalubong ako ni Taki
"Nakakapanibago ka Tignan sa Uniform dahil sa buhok mo" saad niya
"Ako nga den kanina nung nag susuklay ako, nakakapanibago. Ikaw kasi bat mo sila sinama nang hindi man lang sinasabi saken, nasakto pa sa pag gupit ko ng Tas tas sa Kwelyo" saad ko pa.
"Malalate na tayo halina" pag iiba nya ng usapan kaya pumasok na lang ako at umupo sa tabi nya
At pinaandar na kaagad ni Taki yung Kotse.
"Sure ka magaling ka na ha" Sabi nya saken
"Oo, ako pa ba?, Gusto ko rin sana araw araw sa bahay na lang kaso nakaka boring wala akong kasama" saad ko"Baka ang gusto mong sabihin 'BORING DAHIL, HINDI MO AKO KASAMA' " natatawa niyang saad at lumingon ako sakanya
"Aaminin ko siyempre oo" saad ko at Kinurot niya yung pisngi ko
"Hoy mag Focus ka nga sa pagmamaneho, wag sa kakyuttan ko" pagmamayabang na saad ko Rito
"Ayan ka na naman sa pagiging mahangin mo" saad niya. At hindi na lang ako ulit sumagot, dahil baka mamaya di nga sya makapag focus sa Daan
"Sasabihin ko lang, hindi ako nagtatampo baka mamaya akalain mo" saad ko. Dahil akala nya kapag di ako nagsasalita nagtatampo ako sakanya
Sinabi ko na 'to nun e, alam ko may sinabi ako nun. Pina-paalala ko lang sainyo
"Yes ma'am" saad niya kaya tumahimik ulit
Sumisipol lang ako habang nakatingin sa bintana
Hanggang sa makarating kami
"Phew, buti hindi tayo masyadong Late, baka mamaya. Utakan na naman tayo nung Guard" natatawang saad ko habang tinatanggal ko yung Seat belt ko
"Oo sige pwede ka ng mauna" sabi nya
"Anong mauna?, Hihintayin kita. Sige, dun na lang tayo magkita sa gate" saad ko at tinanguan nya naman ako kaya umalis na ako sa loob ng Kotse
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)
Teen FictionPREVIOUS TITLE; I HAVE A CRUSH ON MY BESTFRIEND SINCE WE WERE 8 CURRENT TITLE: I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 May mga tao talaga na hindi natin Inexpect na Darating sa buhay natin, at hindi natin namamalayan na siya pa yung magiging dahilan kung bakit t...