Miracle Markill Garcia Pov.
"Para sayo" saad nung isang babae habang inaabot kay Taki yung Chocolate. Kanina pa may nag aabot sakanya ha, wala ba para saken. Char
"Edi sana Lahat binibigyan ng Chocolate" saad ko, habang naglalakad kasi kami, meron mga babaeng nagbibigay kay Taki na Chocolate.
"Ibibigay ko rin naman 'to sayong Lahat, kaya wag kang maingay" saad niya sa mahinang tono ng Boses niya.
February 14 nga pala ngayon, pero wala akong pake. Kase wala akong pake simple lang yun.
Nakarating na kami sa Room at lahat sila nag bibigayan ng Chocolate at Roses. Habang ako.
Okay lang ako. :>
"Hoy, ibigay mo na kasi. Nung last year ka pa namumuro sakin" Saad nung isang lalake kasama nung dalawa.
Sana lahat, kayang mag Confess sa taong gusto niya.
Pumasok na si Taki, kaya papasok na rin ako ng matulak ako nung isang lalakeng may hawak ng Rosas at Chocolate.
Hayst, ano ba 'yan. Bad mood na nga ako, sasakit pa katawan ko.
"U-uhm... Miracle, para sayo" nagulat ako ng narinig kong ibibigay niya yun para saken.
"H-huh?, Para saken?" Ngiting saad ko. Dahil sa gulat.
"O-oo" Saad niya habang naka pikit, at inabot yung Rose, at Chocolate. May Letter pa pala
"Salamat, haha" ngiting saad ko.
Ahy, putek. Bat nagsasaya ako dito mag isa. Nandyan si Taki sa Gilid. Tandaan mo!
"Sabihin mo na, sabihin mo na" pauulit ulit na sinasabi nung dalawang kasama niya.
"May kailangan ka pa?" Tanong ko sakanya.
"Sige babye" saad niya. At tumakbo ng mabilis
"Sasapakin ko na nga yung lalakeng 'yun, bobo di pa sinabi" sabi nung isa niyang kasama
"Baka nahihiya lang, pulang pula e" natatawang saad nung isa at sabay na silang tumakbo.
"ANSAYA MO KILL HA, SANA LAHAT" Sarcastic niyang saad.
"Naunahan ka na, ayaw pa kasi umamin e" saad nung kaklase namin, sino kaya sinasabihan nun
Umupo ako sa upuan ko at inilagay sa gilid yung bag ko.
Niligay saken ni Taki lahat ng Chocolate na nakuha niya kanina. At kumuha ako ng isa at kinain ito.
"Hoy, patay gutom" pag tawag sakin ni Caiden, at may Inabot na Rosas At Tsokolate.
"Oh, salamat. Ikaw ha" pang aasar ko sakanya habang tumingin ng pang aasar.
"Wala lang yan, di naman talaga sana kita bibigyan, kung hindi sinabi ni Marine" saad niya. at namula.
"Wala kaya akong sinabi" pang aasar ni Marine at binatukan naman siya ni Caiden.
"H'wag ka ngang sinungaleng" saad naman ni Caiden.
"Bahala nga kayo diyan" natatawang saad ko. Habang kumakain.
"Mira, may nag pa abot din sayo nito" saad ni Marine. At may binigay saken na Letter.
"Kanino galing?" Tanong ko sakanya.
"Di ko alam e, Unknown nakalagay. Pa misteryoso HAHAHA" natatawang saad niya.Bubuksan ko na sana ng biglang Nakikisilip din yung Dalawang lalake sa Gilid ko.
"H'wag niya kayong tumingin" sigaw ko sakanilang dalawa. At nag kunwaring hindi talaga sila tumitingin.
"Inalam ko talaga yung pangalan mo, para malagay ko dito sa Letter 'Miracle Markill' ewan ko. Na aastigan ako sayo nung araw na hinabol mo yung nag basag ng bote sa Court, Sana mapansin mo ako" mahinang pag basa ko sa Letter.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)
Teen FictionPREVIOUS TITLE; I HAVE A CRUSH ON MY BESTFRIEND SINCE WE WERE 8 CURRENT TITLE: I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 May mga tao talaga na hindi natin Inexpect na Darating sa buhay natin, at hindi natin namamalayan na siya pa yung magiging dahilan kung bakit t...