Cyan Guttierez Pov.
Nauna nang tumakbo si Kill kaya papunta pa lang ako ng Locker para Magpalit ng sapatos.
Pagkapalit ko, binalik ko na yung sapatos na gamit ko nung isang araw, at inilagay ito sa Loob ng Locker
Paakyat na sana ako sa Second floor, Tumigil ako ng makita ko si Caiden habang kasama yung tatlong lalake na tumulak kay kill.
Natatandaan ko yung isa yung nagbigay kay Kil ng Rosas at Chocolate.
"Binabalak mong pumunta Kay Mira?" Tanong ni Caiden sa tonong seryoso.
"A-ahm oo" nauutal niyang saad.
Habang nakatago lang ako sa Gilid.
"Ngayon pa lang mag Give-up ka na" saad niya at pumikit habang naka cross arm.
"Bakit mo naman pipigilan yung kaibigan namin Mag Confess kay Miracle?" Tanong nung kaibigan nung lalake
"Oo nga" sagot pa nung isa."Gusto ko rin siya" pikit matang saad niya. At yung tatlong kausap niya ay nagulat rin saken.
Pero hindi lang sila yung nagulat, Nandito rin ako.
Aakyat na sana ako ng Marinig ko ulit siyang mag salita
"Yes tama narinig niyo, Gusto ko rin siya. pero meron na siyang ibang gusto. yung Kaibigan namin, Kapag nagbalak ka pang umamin o manligaw wag na" saad niya.
Bigla na lang akong nakaramdam ng Kaba.
Umakyat na ako pagkatapos nun, habang kunwari ay kakarating ko lang, at hindi ko siya nakita.
"Cyan" saad niya, kaya lumingon ako.
"Alam kong narinig mo yun" dagdag niya, at sinabayan niya ako sa paglalakad."Kapag hindi mo pa siya niligawan, ako na manliligaw sa kanya" saad niya, at tumingin ng Seryoso.
"Ah, hindi ko alam kung paano" saad ko habang napahawak na lang ako sa batok ko.
"Para ka pa namang babae kapag kinikilig, mabilis pang mamula" ngising saad niya.
Kaya huminto ako, at sumandal sa may Pader.
"Anong gusto mo, ako pa manligaw para sayo?" Pang aasar nung lalakeng 'to.
"Pero, bakit mo ako tinutulungan?. Hindi ba may gusto ka rin sakanya?" Tanong ko.
"Oo, Kagaya mo. Gusto ko rin siyang makitang nakangiti" saad niya at ngumisi na naman, naalala ko yung sinabi ko sakanya nung Unang araw nila sa School.
"Tuturuan Kita manligaw" saad niya. habang nakatingin lang saken.
"Simple lang, ang mga babae kasi, hindi talaga 'yan nadadaan sa Tsokolate at Rosas, Do it on your own way. I mean, kung anong gusto mong paraan, kung anong nilalaman ng puso mo. Sabihin mo kung gaano mo siya kamahal" saad niya, at tumagos naman sa isip ko 'yun.
"Salamat" ngiting saad ko. Habang hinampas yung Braso niya.
Nagulat na lang kami dahil sa Reaksiyon ni Kil at Marine, narinig kaya nila yung usapan?
"H'wag niyong sabihin nag Da-date kayong dalawa" saad ni Kil habang lumapit saken, kaya Ti-nap ko yung Ulo ni (Tap)
"Kaasar, bat lagi mo akong binabatukan?" Tanong niya saken.
"Una na ako" saad ni Caiden."Sabay sabay na tayo" saad ni Marine. Kaya sabay sabay na kami.
"Marine" pagtawag ni Caiden.
"B-bakit?" Nauutal ni Marine na saad, nung simulang umamin siya kay Caiden, medyo na A-awkward-an na rin silang mag usap.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)
Teen FictionPREVIOUS TITLE; I HAVE A CRUSH ON MY BESTFRIEND SINCE WE WERE 8 CURRENT TITLE: I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 May mga tao talaga na hindi natin Inexpect na Darating sa buhay natin, at hindi natin namamalayan na siya pa yung magiging dahilan kung bakit t...