CHAPTER 35: IT'S NOT ABOUT THE PLACE.

378 25 3
                                    

Cyan Guttierez Pov

Kaya ko na talaga pumasok kahapon, kaso. Naghahanda ako kung ano isusuot ko bukas sa Date namin,

Ano ba kasi 'tong nararamdaman ko, kinakabahan ako

"Kakarating lang ng Kuya mo, aalis ka na naman. ano problema niyo sakin" pagtatampo ni Kuya.

"May pupuntahan lang na Importanteng tao" saad ko. Habang inaayos yung buhok ko.

"Mukhang sobrang Importante nga 'yang Tao na 'yan. Sobrang Porma mo e" saad ni Kuya.

"Ah, sobra talaga" saad ko ng nakangiti at napahawak ako sa Batok ko.

"Date 'yan noh?" Tanong niya saken,
"Sige babye na kuya" saad ko. Habang hindi na sinagot yung Tanong niya.

Sumakay ako sa kotse at pinaandar ko na. Hindi ako de-deresto sa bahay ni Kil, Dun na ako mismo sa Restaurant.

Hihintayin ko na lang siya dun.

Pagkarating ko sa may Restaurant na pinagplanuhan namin kung saan, buti na lang may nagtitinda dito ng Flowers.

Bumili ako ng isang Flower Bouquet. Kumuha ako ng 2K sa wallet ko, at ibinayad yun sa Tindera. at yung sukli ko ay inilagay ko muna sa Bulsa

3K lang dala ko, wala naman talaga akong pera.
Nung aksidente kasing natulungan ko yung matanda sa daan, binigyan niya ako ng 3K.

Alam niyo bang, todo tanggi ko, at mamaya nagalit saken yung matanda. Nilapag niya yung pera dun sa Gilid at pinatungan ng Bato at Umalis.

Sayang naman kung iba pa ang maka kuha, sakin naman binigay, kaya Binulsa ko na.

Inisip ko na lang na

At pumasok na ako sa loob ng Restaurant.

Tstststststs, bat ba ako kinakabahan.
Siguro dahil, first time kong mag Date?.

Wala kasi akong Oras para sa ganun, lalo na't ayaw ko mag date ng iba, kundi si Kil lang.

Ginulo ko yung ulo ko at umayos. Wah.

Nag ring yung Cellphone ko at kaya lumabas ako Ulit sa Restaurant para sagutin ito.

"Hello nasan ka na?" Saad ko. Tawag galing kay Mira
"Malapit na ako, tinawagan kita para malaman mo" saad niya. At sandaling napangiti ako.

"sige,sige. Aantayin na kita--" napahinto ako sa pagsasalita ng mabangga ako nung lalakeng dumaan

"Sorry" saad ko. Habang paulit ulit
"Okay lang" saad niya at agad agad siyang umalis.

Pero diba dapat siya yung mag so-sorry?

"Hello, Taki nandyan ka pa ba?" Tanong sakin ni Kil sa Cellphone.

"Ah, Oo. May nabangga lang akong Lalaki" saad ko
"Ganon ba?, Mag ingat ka kase" saad niya

MIRACLE MARKILL GARCIA POV

Nakita ko na si Taki sa Labas kaya binaba ko na yung Telepono.

"Dito na lang po" saad ko sa Tricycle Driver. At hininto naman niya agad ako, napansin din pala ako ni Taki, at kinawayan ako. Kaya kinawayan ko rin siya

"Ito po yung bayad" saad ko. At inabot na sakanya yung bayad. At naglakad na ako papunta kay Taki

"Ayos ng porma ah, ang Gwapo naman ng Boyfriend ko" natutuwang saad ko habang lumapit.

"Ah... Oo. ikaw rin ang ganda mo" saad niya habang napapahawak sa pisngi niya.

"Sabi mo ikaw manglilibre ngayon hindi ba?" Tanong ko sakanya.

I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon