CHAPTER 15: LOST

504 26 0
                                    

Miracle Markill Pov

"Huh? Anong oras na?" Sigaw ko habang bumabangon at tinignan yung orasan

"11:32?" Patanong kong saad.

"Ahy, wala dapat akong ipag alala. Linggo pala ngayon" natatawa kong saad kaya bumalik ako sa pagkakahiga.

Teka. Kahapon linggo diba?

"Huh?" Napakamot tulay ako ng ulo.

Mag isa lang ako sa kwarto habang kinakausap yung sarili ko, Teka. Parang may nakakalimutan ako.

"Sino nga ba ako?" Tanong ko sa sarili ko. at pumunta ako sa salamin.

Pinagmasdan ko ng mabuti yung Mukha ko. Tas napansin ko na lang, ako pala yung nasa litrato na nakalagay sa pader.

Pero sino naman kaya yung kasama kong lalake?

"Mukhang Close kaming dalawa ha" saad ko at bigla akong napangiti.

Parang ansaya lang namin Tignan sa Picture.

"Teka?, Sino ba ako?" Tanong ko sa ulit sa sarili ko. Nilibot ko yung Kwarto ko, dahil baka malaman ko kung ano pangalan ko.

"Cy-yan?" Mabagal na saad ko habang hinahawakan yung Sulat sa pader. Alam ko na

Oo natatandaan ko na

"Ako si Cyan" maayos at malinaw kong pag sigaw sa pangalan ko.

Lumabas ako ng Kwarto ko at Hinayaan ko itong naka bukas

Bahay ko ba talaga 'to?, Ako lang ba nakatira dito?
Siguro malungkot at nag iisa lang ako.

"Ayaw ko ng ganung buhay" malungkot kong saad. At bumaba ako sa hagdanan.

May nakita akong Tatlong Istudyante. At Isang matandang Babae. So hindi pala ako nag iisa sa bahay?

"Kill, lumabas ka rin" saad niya. At bigla akong niyakap, meron na lang akong naramdamang kakaiba

"S-sino ka?" Tanong ko sakanya habang nakayakap pa rin sya saken.

He's warm.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan, kahapon ka pa namin hinihintay lumabas ng Pinto" saad nung isang Babae.

"Sino nga kayo?" Tanong ko ulit. At inalis nung lalake yung pagkakayakap niya saken.

"Hoy, wag mo kami lokohin, Miracle" sabi nung isanh Lalake na may Pulang mata.

"Miracle, susumbong kita sa Mama mo" sabi naman nung isang matanda.

"Teka. Isa isa lang, isa lang ako" natatawa ko pang saad at nung tinignan ko ulit yung mukha nung isang lalakeng yumakap saken.

"Ikaw yung lalakeng yun, naaalala na kita" saad ko habang nakangiti

"Siyempre kilala mo 'ko, ako yung Bestfriend mo si Taki" saad niya.

"Kaya pala andami natin litrato sa Kwarto ko" saad ko pa habang napahawak sa mukha ko.

"Teka, Teka. Kanina tinawag mo akong 'Kill' papatayin mo ba ako?" Tanong ko sakanya.

"Tatawag muna ako kay Myra" saad nung babaeng matanda at pumunta run sa Taas.

"Gung gong, pangalan mo Miracle Markill" saad naman ni lalake na may pulang mata.

"Bat ang sama mo saken" saad ko habang kumunot yung noo.

"Hindi ako si MIRACLE MARKILL. ako si CYAN" inis kong saad sakanila.

At bigla naman silang nagulat.

"CYAN?" sabay sabay nilang saad.

"Oo Cyan, Anong problema?" Tanong ko sakanilang Tatlo

I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon