CHAPTER 17: HE IS?

487 30 0
                                    

Miracle Markill Garcia Pov

Nasa sala kami habang naglalarong apat nang Video Games, di ko alam kung makakatulong ito para mabalik yung alaala ko,

Basta mag eenjoy lang kami

"Kapag si Mira talaga kakampi ko, lagi akong talo" pang aasar sakin ni Caiden

May galit ata sakin yung lalakeng 'yan, laging Ganyan yan saken

"Ako nga nagpapanalo tas sasabihin mo ako dahilan kung bat ka natatalo, di ka lang marunong" taas kilay kong saad habang Gigil na gigil sa Controller.

"Caid, wag ka ngang Ganyan kay Mira, Tulungan mo na lang kaya siyang Talunin kami" natatawang saad ni Marine

"Kill, hayaan mo. Mamaya tayo naman magiging magkakampi" natatawang saad ni Taki. Kaya ngumiti na lang ako sakanya at nagpatuloy sa paglaro.

"Last game, pagod na ako. Hindi man lang manalo" saad ko. habang humiga at bumangon uli at inunat ko yung katawan ko

"Game na" saad ko. Habang inistart yung Game

Uunahin ko nga 'tong si Caiden, tutal galit na galit sya saken

"Ayan, tanggapin mo 'yan" saad ko habang diin na diin ang pagpindot ko sa Controller

"Ito sayo" saad naman niya habang inaatake rin ako.

Aba lumalaban.

"Kill, Focus ka sa Game wag sa Galit mo" natatawang saad ni Taki

"Gusto mo, ikaw na lang patayin ko" natatawa kong sagot habang inakmang babarilin ko siya.

Tas mamaya boom, Talo kami.

"Okay, pahinga na tayo" saad ni Taki at humiga sa Sahig

"Mag sari-sarili tayong Kwentuhan si Mira, Kahit ano lang ikwento niyo sakanya. Nung mga kasama niyo pa siya" saad ni Taki at umupo ulit

"Oh Juice niyo" sabi ni Yaya habang inilagay sa May Maliit na Lamesa yung Juice

Ang sipag naman ni yaya

"Salamat po" sabay sabay naming saad

"Ako na mauna, papaikliin ko lang" nakapikit na saad ni Caiden at nag Cross arm pa ito.

Aba ang taray

"Ikaw si Miracle, Maingay. Makulet, Patay Gutom, este laging Gutom, Hindi maintindihan kung ano ang nasa isip, Napaka weird, at Maingay ulet, yun lang" saad niya habang nakapikit pa rin.

"Hindi ata kwento yun, Pang iinsulto yun Caiden" saad ko sa mahinang Tono.

"At isa pa hindi ako patay Gutom" saad ko habang sinuntok yung Ulo niya.

Babawi rin sana sakin si Caiden Nang takpan ni Taki yung Ulo ko.

"Ikaw na lang umintindi, ikaw ang nag umpisa" natatawang saad nito, kaya natawa kaming lahat Except kay Caiden

Ewan ko, bat lagi akong na kyu-kyuttan kay Taki. napaka sweet niya, at Mapang asar at the same time -,-

"Itigil niyo na nga yan, sumasakit lagi Tiyan ko kapag kasama ko kayo" natatawang saad ni Marine. Habang pinipigilan pa ito

"Pwedeng Kami lang ni Mira dito?, Dun muna kayo sa labas?" Pag tanong ni Marine

"Bat mo pa sila papalabasin?, bawal ba nilang Marinig?" Takang Tanong ko.

"Oo, ayaw mo nga i-reveal yun" saad niya. Kaya bigla akong kinabahan.

"Dapat hindi mo na sinabi sakanya na ayaw niyang Aminin satin lahat yun, Sayang. Gusto ko pa namang Marinig" saad ni Taki habang Tumayo.

I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon