CHAPTER 3

648 31 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 3]

• ANDREI DELOS SANTOS POV:

Ito na ata yung pinakahihintay kong mangyari sa buong buhay ko, hindi lang ako napansin ni Freddie kundi nililigawan nya na ako ngayon.
Hindi ko akalaing magkakagusto si Freddie sa isang katulad kong hindi tunay na babae, hindi ko alam pero parang nanaginip ata ako.
Pero kung panaginip man itong mga nangyayari sakin ngayon, sana naman hindi muna ako magising dahil sobrang ganda ng mga nangyayari sakin.

"Nag enjoy ka ba sa rides?"

"Oo, Freddie! Ang saya saya ko dahil ngayon lang ako naka punta sa Enchanted Kingdom!"

"Halata naman sayo na napasaya kita ngayong araw na to eh, tignan mo yung ngiti mo oh abot na hanggang tainga hehe!"

"Ikaw ang dahilan nyan, Freddie! Kung wala ka hindi magiging ganto ka ganda yung ngiti ko, ikaw ang dahilan nito Freddie!"

"Masaya ako dahil ako ang nag papasaya sayo, Andrei... Sana nga lang walang pumalit sakin para pangitiin ka"

"Alam mo Freddie kahit nung hindi mo pa ako nililigawan, sa mga videos mo palang napapangiti mo nako... Lahat ng mga videos mo pampa gaan ng loob ko, kapag nalulungkot ako nanunuod lang ako ng mga videos mo"

"Mabuti naman kahit sa video lang napapasaya kita, pero hayaan mo Andrei ngayong nandito nako pinapangako kong magiging maligaya ka sa piling ko"

"Sana lang Freddie hindi ka katulad ng iba na sasaktan lang ako, pero mukha namang hindi mo gagawin sakin yun"

"Mukhang nag tiwala kana talaga sakin ng husto, ibig ba sabihin nito may pag asa ba akong maging boyfriend mo?"

"Hindi ka naman nawawalan ng pag asa sakin Freddie eh, kahit hindi mo tanungin yan punong puno ka ng pag asa sa puso ko"

"So sinasagot mo na ba ako? Tayo na ba?"

"Bigyan mo pa sana ako ng konting panahon, Freddie..."

"Sorry kung nabigla ka, sorry talaga!"

"Hindi, ayos lang sakin Freddie!"

"Sorry talaga ah, sabik na sabik lang talaga kasi ako na mapasakin ka"

Ako na ata ang pinaka swerte sa buong mundo dahil ngayon hindi ko akalaing magugustuhan ako ng lalaking minsan ko ng inasam, kahit alam ko naman noon pa na malabong mangyari ang pinapantasya ko na maging kami ni Freddie ngayon mukhang mag kakatotoo na.
Ang saya saya ko kasi kahit kailan hindi ko inasahan na mangyayari sakin to, isa na siguro to sa pinaka masasayang sandali na nangyari sa buhay ko.

(Bagay na bagay talaga kayo!)
(Wow napaka sweet nyo naman, sana all!)
(Sana makahanap din ako ng katulad ni Fred)
(Wow naman nakakainggit)
(Sana all)
(Ship na ship ko talaga kayo)
(Sagutin mo na kasi Andrei yiiee)
(Mapapa sana all kana lang talaga)

Dahil sa madalas na pag po post namin ni Freddie ng mga pictures na mag kasama kaming dalawa, yan ang ilan sa mga comment samin ng mga fans naming dalawa.
Ang saya saya ko dahil lahat sila sinosoportahan at nagugustuhan kaming dalawa ni Freddie kahit na sa ibang tao ang relasyon namin ay kakaiba.

"Andrei?! Andrei!"

"Yvonne? Bakit ka nasigaw?"

"Nasaan si Freddie?!"

"Si Freddie? Bakit mo hinahanap si Freddie, Yvonne?"

"Basta sabihin mo nalang sakin kung nasaan sya!!"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon