CHAPTER 18

416 26 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 18]

• FREDDIE LIU POV:

"Yes magiging daddy nako!"

Napaka saya ko dahil sa sa wakas ay mag kakatotoo na din ang pinapangarap ko na maging isang AMA, excited nakong malaman ng buong bansa na magiging ama na ako ngayon.
Hindi ako makapaniwalang mag kakatotoo pa ang pinapangarap ko na maging isang ama, walang makakapantay sa kasiyahang nararamdaman ko sa mga oras na to.

"Kailangan kong i-post to sa social media na magiging daddy nako!"

Ipo-post ko na sana ang ultrasound picture ng baby ko sa IG ng bigla akong pinigilan ni Paolo, kinuha nya ang cellphone ko at binura ang picture na dapat ipo-post ko.

"Hindi mo pwedeng gawin yan!"

"Bakit naman Paolo, ano nanaman bang problema?!"

"Hindi pwedeng gawin yan Freddie, alam ng mga tao na si Andrei ang kinakasama mo!... Ano nalang sasabihin nila kapag nalaman nilang nabuntis mo yung KABIT mo?!"

"Masama bang maging proud ako sa baby ko ha Paolo?!"

"Freddie hindi mo ako naiintindihan eh, isa ka sa mga sikat na tao! Wag mo naman sirain yang kasikatan mo, may araw at panahon para i-announce ang pagiging daddy mo pero HINDI NGAYON!"

"Paolo, ang tagal kong hinintay to! Tapos pipigilan mo lang akong maging proud na daddy ako?!"

"Hindi naman sa pinipigilan kita Freddie, pero hindi ngayon ang panahon para i-post yang pagiging daddy mo!"

"Alam mo naiinggit ka lang! Bakit kasi hindi mo binuntis si Maxine noon?! Edi sana ngayon may anak kana!!"

Hinawakan nya yung kwelyo ko at itinaas dahil sa sobrang galit nya sakin, hindi ko naman intensyong galitin si Paolo dahil ang gusto ko lang namang mangyari ay pumayag sya na i-announce ko sa social media ang pagiging isang ama ko.

"WAG NA WAG MONG IDADAMAY SI MAXINE SA USAPANG TO! DAHIL HINDI MO ALAM KUNG ANONG NANGYARI SAMING DALAWA!!"

"P-Paolo, hindi ko naman intensyong isali si Maxine dito... Ang gusto ko lang nama- -"

"KUNG AYAW MONG SUMUNOD SAKIN EDI GAWIN MO! HINDI YUNG ISASALI MO PA SI MAXINE SA USAPANG TO!"

"Sorry, Paolo! Sorry kung napaalala ko pa si Maxine sayo"

"INISIP KO LANG NAMAN ANG KAPAKANAN MO, NGAYON KUNG AYAW MONG PINAPAKEALAMAN KA UMALIS KANA SA GRUPONG XFORCE!"

Binitawan ni Paolo ang kwelo ko at bigla syang umalis sa harapan ko na galit na galit, hindi ko naman intensyong ibalik pa ang alaala ni Maxine sa kanya.
Ang gusto ko lang naman ay ipaalam sa social media na magiging ama na ko pero tumutol sya.

"Bakit mo pa kasi pinaalala si Maxine kay Paolo, ayan tuloy galit na galit sayo"

"Hindi ko naman gustong ipaalala sa kanya si Maxine Shaun eh"

"Kahit na, dapat hindi mo na binanggit ang pangalan ni Maxine... Alam mo namang hindi naging maganda ang relasyon nila ni Maxine eh"

"Yun na nga, hindi ko naman sinasadya talaga"

"Hindi mo masisisi si Paolo ngayong galit na galit sya sayo"

Tinuring ko ng parang isang kapatid si Paolo kaya hindi ako sanay na mag kaaway kaming dalawa, mahalaga si Paolo para sakin at ayokong nagkaka hidwaan kaming dalawa.
Kaya pinuntuhan ko si Paolo at kinausap ko ng masinsinan para magkaayos kaming dalawa, yun lang ang naiisip kong paraan para mag kabati kami.
Ayokong nagagalit si Paolo sakin dahil isa sya sa mga dahilan kung bakit sikat na sikat ako ngayon, kung hindi sa mga patnubay nya samin hindi kami sisikat ng ganto.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon