CHAPTER 11

448 26 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 11]

• FREDDIE LIU POV:

"Freddie, hindi ako nandito para makipag ayos sayo... Nandito ako para humingi ng tulong"

Bumalik si Andrei sa bahay para humingi ng tulong sakin para sa dad nya na naaksidente, siguro ito ang magandang paraan para bigyan ng kondisyon si Andrei na mag salita sa Media about samin ni Yvonne.
Alam kong hindi papalagpasin ni Andrei yung nalaman nya tungkol samin ni Yvonne kaya gagamitin ko tong pagkakataon na to para hindi sya mag salita sa media.
Ito lang ang tanging naiisip kong paraan para manahimik sya at itago nya nalang ang nalaman nya saming dalawa ni Yvonne.

"Sige, tutulungan kita Andrei! Pero may kondisyon ako!"

"Kondisyon? Binibigyan mo pa ako ng kondisyon Freddie?!"

"Alam mo naman na hindi na libre ngayon ang mga bagay diba?!"

"Freddie hindi nako iba sayo! Parang asawa nako sayo, pinag tiisan ko yung pamilya mo ng limang taon tapos bibigyan mo pa ako ng kondisyon?!"

"Ang dami mo namang arte, Andrei!! Ano ba tatanggapin mo ba yung offer ko sayo o hindi?!"

"Ano ba yung kondisyon mo?"

"Isa lang naman yung kondisyon ko eh... Gusto ko wag mong ipag kalat na may relasyon kami ni Yvonne sa media kapalit ng 80K na ibibigay ko mismo sayo!"

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Gusto mong pag takpan ko kayo ng kabit mo?!"

"Kapalit ng 80K Andrei! Gusto kong ilihim mo nalang sa lahat ang tungkol saming dalawa ni Yvonne! Sige ka, pag hindi ka pumayag mamatay yung tatay mo!"

"Mas gugustuhin ko pang mamalimos kesa tanggapin yang sinasabi mong kondisyon!"

"Hoy, Andrei teka lang!!"

Biglang tinalikuran ako ni Andrei at nag lakad palayo, nag mamatigas pa si Andrei sa mga sinasabi ko sa kanya.
Ayaw nya pang tanggapin ang katotohanan na hindi ko naman talaga sya mahal, na ginamit ko lang sya dahil sa popularity.
Isa lang naman syang walang kwentang tao sakin kahit na pinag silbihan nya pa yung pamilya ko ng limang taon, hindi parin non mapapalitan yung sakripisyong ginagawa ko habang kasama sya.

"What? Nahuli kayo ni Andrei sa condo ni Yvonne?!!"

"Oo, Pao! Nagulat nga ako bigla syang nakapasok sa loob"

"Fred! Are you out of your mind? Pwede tayong masira sa ginagawa mo! Okay pa sana na makita nyang magkasama kayo pwede pang lusutan yun eh pero yung makita ni Andrei na nakapatong ka kay Yvonne wala ka ng kawala don! Hindi ka pa nakuntentong pumatong, namili ka pa!"

"Anong magagawa ko eh hindi ko naman talaga gusto si Andrei! Alam mo naman diba Pao na si Yvonne na talaga yung minahal ko noon pa? Hindi ko kayang mawala sya sakin"

"Hindi naman kita masisisi dahil alam kong minamahal mo si Yvonne pero sana konting konsederasyon lang para kay Andrei, ang laki ng tinulong nya satin oh tapos ibabasura mo lang sya ng ganon ganon lang?!"

"Pao, hindi ko sya mahal! Anong gusto mong gawin ko ipag pilitan ko sarili ko sa kanya kahit na wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya?!"

"Hindi ka talaga nag iisip Fred! Ito ha hindi ko sinasabi to dahil ginagamit natin si Andrei, sinasabi ko to dahil naaawa ako sa kanya! Bro, ang bait ng tao oh tapos sinasaktan mo nga ganyan?!"

"Wala nakong magagawa pa Pao, nangyari na ang nangyari! Alangan namang ibalik ko pa eh nangyari na nga, kailangan nalang nating gumawa ng paraan para hindi sabihin ni Andrei sa media ang nalalaman nya samin ni Yvonne"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon