CHAPTER 22

419 27 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 22]

• FREDDIE LIU POV:

Ito na ang araw na inihanda namin para sa dati kong kinakasama na si Andrei Delos Santos, ang araw na panaglitang nanamnamin ang mga naiwan nyang mga alaala samin.
Ito ang araw ng burol ni Andrei, naka paskil sa gitna ng malalaking mga bulaklak ang kanyang malaking litrato habang nakapu ang mga tao at pinag darasal sya.

"Alam mo kahit anong dasal natin hindi naman tatanggapin si Andrei sa langit, kahit mag dasal pa ang buong pinas!"

"Mom, can you stop that? Kahit minsan naman bigyan natin ng oras si Andrei"

"You can't blame me Freddie, simula nung dumating sa buhay ko yang Andrei na yan wala ng binigay sakin yan kundi kamalasan!"

"Mom, just once! Please bigyan muna natin ng respeto ang pag kamatay nya?"

Nanahimik si Mom sa mga sinasabi nya nung sitahin ko sya, I just want to give Andrei a peace para naman matahimik ang kaluluwa nya.
Alam kong hanggang sa huli pinahirapan ko ng husto si Andrei pero kahit anong pag sisisi ko hindi ko na kailan pa maibabalik pa ang buhay nya.
Kailangan nalang talaga naming tanggapin na wala na si Andrei at tapos na ang gampanin nya sa mga buhay namin and try to move on nalang mula sa mga alaalang naiwan nya.

"Medyo magarbo tong burol ni Andrei, Fred ah?"

Nag tataka si Paolo dahil maganda ang set up ng burol ngayon ni Andrei, dahil wala kaming natagpuang katawan ni Andrei sa search and rescue sa dagat ay naisipan nalang namin mag lagay ng malaking picture nya na naka ngiti.

"Kailangan kong gawin yan dahil alam kong may mga taga media na pupunta dito, dapat maganda ang burol ni Andrei!"

"Buong akala ko pa naman ginawa mo to para kay Andrei, para sa media pala!"

"Para na din syempre kay Andrei, pero dahil patay na sya at ang media ang buhay ngayon, media muna ang intindihin ko"

Hindi nga ako nag kamali, dumating na nga ang mga taga media ngayon at sobrang dami nila, hindi ako makasagot sa sobrang dami nilang tanong sakin sa mga oras na to.

(Sir Fred ano pong pakiramdam nyo ngayon patay na si Andrei?)
(Malungkot po ba kayong wala na si Andrei?)
(May idea po ba kayo kung bakit nag pakamatay si Andrei?)
(Bakit po ba naisip ni Andrei mag pakamatay?)
(Ano po ba talagang nangyari kay Andrei?)

Yan ang mga tanong na bumuhos sakin sa mga oras na to dito sa burol ni Andrei, halos hindi ko masagot lahat lahat ng mga tanong nila sa dami ng mga taga media ang sumugod sakin.

"Isa isa lang ho ang tanong, hindi po masasagot ni Freddie ang mga tanong nyo kung sabay sabay ho kayong mag tatanong"

Sinabihan ni Paolo lahat ng mga gustong mag interview sakin upang masagot ko ang mga katanungan nila ng maayos, sa sobrang dami kasi ng mga taga media ang pumunta halos hindi ko lahat masagot sila.

REPORTER1: Sir Freddie, anong pakiramdam nyo ngayon wala na ang ka live in partner mo na si Andrei Delos Santos?

"Uhmm syempre malungkot ako sa mga oras na to dahil naging mahalaga si Andrei sa buhay ko, sobrang masasaktan ako dahil mahal na mahal ko sya"

REPORTER2: Ano po ba talagang nangyari kay sir Andrei Delos Santos sir Freddie?

"Nag pakamatay sya dahil sa sobrang stress nya dulot ng mga problema nya sa buhay, hindi nya naman nasabi sakin yon dahil ang buong akala ko ay ayos lang sya"

Kunwaring napaiyak ako nung ini-enterview ako ng mga taga media, kailangan kong gawin to para mag mukhang malungkot sa harapan nila.
Kailangan kong ipakita sa media na nag luluksa ako sa pag kamatay ng kinakasama ko na si Andrei.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon