CHAPTER 27

419 29 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 27]

ANTHONY CHENG (ANDREI) POV:

"Okay, I'm on my way!"

Hindi ko ine-expect na tatawagan ako ni Freddie ngayong gabi at niyayaya akong mag dinner sa isang resto, talagang kumakagat si Freddie at paniwalang paniwala syang ako si Anthony Cheng.
Hindi nya alam pinapaikot ko nalang sya sa mga palad ko sa mga oras na to, hindi nya napapansin to dahil mas importante sa kanya ang nasa isip nya.

"Na late ba ako?"

Tanong ko kay Freddie, agad naman nyang inalabas ang upuan na mula sa ilalim ng lamesa para makaupo ako.

"Take a seat Anthony!"

"Thank you, Freddie!"

"Pasensya kana talaga Anthony ah, naistorbo pa kita ngayon... I mean, napaka busy mong tao diba? Tapos heto ako na kakakilala mo lang nag de-demand agad ng dinner kasama ka"

"It's okay Freddie, I loved to see you! Sa totoo nga nyan gusto kong makilala ka pa ng husto"

"Grabe, hehe uhmm nakaka flattered namang marinig yan sa isang Anthony Cheng!"

"Masanay kana Freddie dahil siguradong palagi tayong mag kikita!"

I bite my lips and blink at him, sa mga oras na to pinag papawisan ng husto si Freddie.
Hindi sya mapakali at nauutal palagi mag salita habang mag kausap kaming dalawa.

"Thank you for having dinner with me Freddie!"

"Ako nga dapat mag pasalamat Anthony eh, dahil napasaya mo talaga ako ngayong gabi!"

Buong akala ni Freddie ay masaya akong nakasama sya ngayong gabi ngunit ang hindi nya alam parte ito ng mga plano ko para sirain sila ni Yvonne, nilagay ko ang panyo ko sa loob ng bulsa ni Freddie ng hindi nya napapansin.
Alam akong pag nakita ni Yvonne yon siguradong puputok nanaman sya na parang bulkan.

"Where have you been? Kanina pako nag hihintay sayo"

Naabutan kong nakaupo si Quim sa sofa habang nag hihintay sakin na umuwi, ngayon ko napatunayan na ganto pala ako ka halaga kay Quim.

"Pasensya kana Quim, nakitapag kita kasi ako kay Freddie kanina"

"Without asking my permission? Paano kung may nangyari sayong masama?"

"Wag mo akong alalahanin Quim, hindi ko naman papabayaan ang sarili ko"

"Alam mo namang ayokong may mangyari sayong masama"

"Alam ko naman yun Quim eh, at nag papasalamat ako na pinapakita mo sakin na mahalaga pala ako sayo"

"Of course, mahala ka sakin Anthony!"

Ngayon ko nalang ulit naranasan na magkaroon ng isang tao na nag aalala sakin, matagal kong nilimos yon kay Freddie pero kahit anong gawin ko hindi nya yon binigay.
Ang swerte ko sa pag kakataong ito dahil dumating si Quim sa buhay ko.

"Anthony, may gustong kumuha sayo para maging guest sa isang TV show... Bukas na agad yon, ano tatanggapin mo ba?"

"Sa tingin ko magagamit ko yun para mas lalong makilala ng mga tao si ANTHONY CHENG!"

"Wag mo kakalimutan na nandito lang ako sa likod mo Anthony, hinding hindi kita papabayaan!"

"Salamat Quim, salamat sa lahat ng mga ginagawa mo sakin"

Dumating na ang araw kung saan magiging guest ako sa isang pinaka highest rating TV morning show sa pinas, gagamitin ko tong opportunity na to para mas lalo nila akong makilala.
Pagkatapos mag set up ng venue ay agad naman nilang sinimulan ang taping ng show.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon