CHAPTER 43

348 24 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 43]

FREDDIE LIU POV:

"Yvonne, kailangan mo ng sumuko sa police! Wag mo ng dagdagan pa ang mga kasalanan mo!"

Hindi ako makapaniwalang tinakasan ni Yvonne ang batas na naka hain para sa kanya, mistulang nawawala na si Yvonne sa kanyang sarili ngayon kaya't nagagawa nya ang mga gantong klasing bagay.

"Hinding hindi ako mag papahuli Freddie! Ikaw ang nag tulak saking gawin to, kung hindi mo lang sana ako binaliwala edi sana hindi tayo hahantong sa ganito!"

"Wag mong sinisisi sakin ang mga desisyong ginawa mo mag isa! Kalokohan mo yan Yvonne, kaya wag mokong dinadamay sa ginagawa mo!"

"Freddie please mag simula tayo ulit! Please naman oh, mahalin mo lang ako ulit pangako mag babago ako!"

"Wala nakong pakealam pa sayo Yvonne, kung yan ang gusto mo bahala ka!"

Tinalikuran ko na ang pagiging masama, ayoko ng pahirapan pa ang buhay ko dahil kung tutuusin ay mahirap na ang sitwasyon namin ng mom ko ngayon.
Nawalan kami ng negosyo at bahay na matutuluyan dahil sa kasamaan na ginawa namin kay Andrei, naiintindihan ko naman kung bakit ginawa samin ni Andrei to dahil wala na kaming ginawa sa buhay nya kundi pahirapan at saktan sya.
Yun ang pinaka maling ginawa ko sa buhay ko, ang samantalahin ang kahinaan ni Andrei.

"Andrei, kamusta kana? Okay kana ba ngayon?"

Pumunta ako sa bahay nila Andrei para kamustahin ang kalagayan nya, hindi ko kasi maiwasang hindi mag alala matapos kong malaman na wala na sila ni Quim.

"Bakit ka nanaman ba nandito ha Freddie, diba sinabi ko naman sayo na hindi na kita kailangan?"

"Nandito lang naman ako para kamustahin ka eh, nag aalala lang naman ako sayo dahil nalaman kong wala na kayo ni Quim"

"Bakit Freddie, sasamantalahin mo ba ang pag kakataong to para mapalapit ang loob ko ulit sayo? Kahit kailan Freddie hinding hindi mo na maiaalis sa isip ko na isa kang manloloko!"

"Bakit mo ba sinasabi yan sakin Andrei?... Totoo naman kasing concern lang ako sayo, oo aaminin ko na masaya ako dahil wala na kayo ni Quim pero hindi ko naman ginagamit tong pag kakataon na to para umaligid sayo"

"Wag mo nakong bilugin pa Freddie, kilalang kilala kita dahil limang taon din kitang nakasama!"

"Sinabi ko naman sayo na nag bago nako Andrei, hindi mo lang talaga kasi ako binibigyan ng pag kakataon para ipakita sayo yon!"

"Hindi ako naniniwala na nag bago kana, wag mo nakong guluhin pa Freddie... Pabayaan mo nako!"

Naiintindihan ko kung bakit hindi na ako binibigyan pa ni Andrei ng isa pang pag kakataon dahil alam kong hindi lang sakit ang pinaranas ko sakanya kundi pighati rin, alam kong walang kapatawaran ang mga nagawa ko kay Andrei noon pero alam ng nasa itaas na nag bago nako ngayon.
Hindi na ako yung dating Freddie na makasarili at nilamon ng kasikatan, kaya hindi ako titigil hangga't hindi ko napapatunayan kay Andrei ito.

"Wala na, hindi na talaga tayo makakaahon pa... Tanggapin nalang talaga nating bumagsak tayo, ang importante nalang satin ngayon ay buhay si Andrei"

Sabi ni Paolo habang nililigpit ang mga gamit namin sa studio, ito na ang huling araw ng XForce kaya inaayos na namin lahat ng mga gamit namin.

"Wala na tayong magagawa, kasalanan din naman natin Pao eh"

"Oo nga, kaya nga tinanggap ko nalang din ang lahat dahil si Andrei naman talaga ang dahilan kung bakit tayo sumikat so I think he have the rights para pabagsakin tayo"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon