CHAPTER 38

368 24 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 38]

YVONNE LUSTRE POV:

(Grabe naman yang si ma'am Yvonne)
(Hala nakakahiya si Ma'am!)
(Ano ba naman yang iskandalong ginawa ni ma'am)
(Nakakahiya naman yung ginawa nya)

Yan ang mga sinasabi ng mga staff ko sa salon habang pinapanuod nila ang iskandalong ginawa ko sa hotel, halos mag tumpukan sila makapanood lang ng nangyaring iskandalo sa cellphone.
Agad ko naman silang nilapitan at nung makita ko yun, hindi ako makapaniwalang pati ang mga staff ko ay pag tsi-tsismisan ako nga ganto.

"Ah nakakahiya pala ah, paano kung sabihin ko sa inyong SISANTE NA KAYONG LAHAT!!"

(Hala ma'am sorry po!)
(Ma'am sorry)
(Ma'am hindi na po mauulit!)

"LUMALAYAS NGA KAYO DITO!!"

Agad namang silang nasilayasan nung sigawan ko sila sa mga oras na to, hindi ko akalaing pati sa internet ay kakalat yung video na yon.
Kasalanan lahat to ni Anthony dahil kung hindi nya nilalandi ang asawa kong si Freddie hindi mang yayari to, humanda sya sakin dahil gagantihan ko sya sa lahat ng panlalandi nya sa asawa ko.

"Mars sorry pinakealam kasi nila tong phone ko eh, tapos pinanuod nila yung scandal na ginawa mo"

"Isa ka pa! Imbis na atupagin mo tong salon yan ang ginagawa mo, burahin mo yang tsismosa ka!"

"Sorry na mars, kasi naman yung mga yon pinapakealaman yung cellphone ko"

"Bakit ka ba may video nyan ah? Burahin mo yan bilisan mo!"

"Ito na nga mars eh!"

"Bilisan mo, yan pa oh burahin mo!"

"Oh ayan, wala na mars! Okay na clear na tong phone ko promise!"

"Tsimosang to!"

Hindi bali't nawala sakin ang career ko ngayon ang mahalaga nasa akin parin itong Yvonne Cosmetics Salon, ito nalang ang natatanging meron ako ngayon kaya't hindi ko hahayaan na pati ito mawala.
Ang career maibabalik pa pag dating ng panahon pero ang Yvonne Cosmetics na itinaguyod ko ng apat na taon ay sobrang hirap ng ibalik kung ito'y mawawala.

"Ms Lustre!"

Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin ang dalawa sa mga share holders ng Yvonne Cosmetics na si Mrs Williams at Mrs Violeta, nagulat ako ng pag taasan nila ako ng boses nang mga oras na to.

"Yes, Mrs Williams?"

"Napanuod ko na yung scandal na ginawa mo sa isang hotel at napanuod ko na din yung pang aagaw mo ng trophy sa isang competition!"

"M-Ma'am I'm sorry, it was a big mistake!"

"Hindi mo ba alam na sobrang malaking kahihiyan ito para sa Yvonne Cosmetics?! Nalulugi na din ang Salon dahil iba ang inaatupag mo!"

"Ma'am, I know that.. That's why I'm doing my best right now para maibalik ang sigla ng salon na to!"

"It's too late! Masyado ng mababa ang sales ng Yvonne Cosmetics! Hindi na kayang ibangon to ng kahit sino!"

"Ma'am please, give me another chance to prove na maibabalik ko ang sigla ng Yvonne Cosmetics!"

"Wala ng paraan pa para ibalik ang dating sigla ng Yvonne Cosmetics! Maybe this is the time para lumipat naman kami ng bagong business ventures!"

"Omg, ma'am no! Please!"

"I'm sorry, Ms Lustre!... Lest go Violeta!"

Tinalikuran nila ako ng walang pag aalinlangan sabay lakad palayo sakin, hindi ko matanggap na ginawa nila sakin to.
Buong akala ko makakasama ko sila Mrs Williams at Mrs Violeta hanggang sa kadulu-duluhan nitong Yvonne Cosmetics.
Hindi pwedeng mawala to sakin dahil ikakamatay ko kapag nawala to, hindi pwedeng masayang lahat ng mga pinag hirapan ko kaya gagawin ko ang lahat maibalik lang ang dating sigla ng Yvonne Cosmetics.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon