CHAPTER 16

419 23 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 16]

• YVONNE LUSTRE POV:

"Hayop! Hayooop!"

Yang ang sigaw ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko sa mga oras na to, dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon nilimas ko lahat ng mga gamit na nakapatong sa lamesa ko.
Gumalabog lahat ng gamit sa sahig na naging sanhi kaya umingay ang office ko, nagulat si Danny sa ingay na narinig nya sa loob ng opisina ko kaya nag madali syang pumusok sa loob.

"Yvonne, anong ginagawa mo?! Bakit nag wawala ka dyan?!"

"Bwiset talaga yang Andrei na yan, bakit ba hindi sya mawala sa buhay ko!!"

"Ano ka ba mars, wag mo naman sayangin yung energy mo sa taong yon!"

"Eh panong hindi ako mabubwiset ha Danny, gusto nakong bitawan ni Freddie dahil sa hayop na Andrei na yan!"

"Talaga? Eh nasaan na yung mga sinabi sayo ni Freddie na mahal ka nya, wala na ba yun?"

"Hindi ko alam, Danny! Kailangan kong makaisip kung paano babalik ang loob sakin ni Freddie!"

"Eh mars, para namang ginawa ka lang parausan nyan ni Freddie eh... Mukhang hindi ka naman ata talaga nya mahal"

"MAHAL AKO NI FREDDIE AT YAN ANG ISAKSAK MO SA KOKOTE MO, DANNY!... Hindi pwedeng iwan nalang ako ng basta basta ni Freddie, sisiguraduhin kong sa huli sakin parin sya babagsak!"

"Chill ka lang dyan mars, wag mokong awayin... Ito naman oh napaka mainitin ng ulo!"

"Hindi ako papayag Danny na iwanan ako ni Freddie!! Malaki na ang sinakripisyo ko sa kanya kaya hindi nako papayag na mawala sya sakin ng ganon ganon nalang!"

"So anong pinaplano mo?"

"Sa gagawin ko kay Andrei sigurado akong isusuko nya ngayon sakin si Freddie!"

Hindi magugustuhan ni Andrei ang gagawin ko sa kanya dahil gagamitin ko ang kahinaan nya para sumuko sya, ang pamilya nya ang gagawin kong paraan para makuha ko sa kanya ang lalaking pinakamamahal ko.
Pumunta ako kung saan nakatira ang nag mamay ari ng inuupang bahay ng pamilya ni Andrei, ito na ang oras para pati ang bahay nila Andrei ay mawala.

"Hey, ikaw ba yung nag mamay ari ng inuupahan nila Andrei?"

"Sino ka? Kilala ba kita?"

"You must be manang Bilen, ikaw yung may ari ng bahay nila Andrei right?"

"Oo, bakit? Ano bang kailangan mo?"

"May gusto lang sana akong i-offer sayo.."

Kinausap ko si mamang Bilen na bibilhin ko ang bahay at lupa na tinitirhan ngayon ng pamilya ni Andrei, sigurado ako sa gagawin kong ito mapipilitan si Andrei na lumapit sa akin kagaya ng dati at gagamitin ko ang pag kakataong to para makuha si Freddie.

"Linda?! Linda!"

Sigaw ni manang Bilan habang dumidungaw dungaw sa loob ng bahay ng pamilya ni Andrei, ilang saglit lang ay biglang lumabas ang ina ni Andrei na si Linda.

"Oh Bilen, anong sadya mo dito? Diba kakabayad lang namin ng upa?"

"Hindi yon ang ipinunta ko, Linda!"

"Ano ho pala manang Bilen?"

"Linda pasensya na ha, paalisin ko na kayo ngayon mismo dyan sa bahay na inuupahan nyo kasi may bago ng nag mamay ari nyan eh"

"Ha! Bakit biglaan naman manang Bilen?"

"Yung bagong may ari nalang yung kausapin mo, basta kailangan umalis na kayo ngayon sa bahay na yan"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon