CHAPTER 23

440 28 2
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 23]

• QUIM VALENCIA POV:

"Bakit tayo nandito sa harapan ng bahay nila Freddie, sir Quim?"

Tanong ni Andrei habang naka dungaw kami sa bahay nila Freddie mula sa loob ng kotse, gusto kong buhayin at sariwain kay Andrei kung paano sya pinahirapan at sinaktan ng dati nyang kinakasama na si Freddie.
Kailangan nyang paliyabin ang galit sa kanyang puso dahil ito ang magiging sandata nya kapag lumaban na sya sa giyera.

"Sir Quim, ibabalik nyo po ba ako dito sa bahay nila Freddie? Sir Quim wag po! Ayoko na pong maging misirable ang buhay ko kaya please po sana wag nyo po akong ibalik sa kanila!"

"Hindi kita ibabalik, Andrei... Nandito tayo para sariwain ang mga alaalang iniwan sayo ng pamilya ni Freddie! Gusto kong paliyabin ang galit dyan sa puso mo!"

Maya maya lang ay nakita namin si Freddie at Yvonne sa balcony na nag sasaya, mukhang tuluyan na nga nilang nakalimutan si Andrei.

"Tignan mo, Andrei... Tignan mo kung gaano sila kasaya ngayong wala kana!... Tignan mo ang mga taong sumira ng buhay mo na ngayon ay magagawa parin nilang tumawa!"

"Maghintay lang sila! Sisiguraduhin kong pag dating ng araw ako naman ang tatawa sa harap nila!"

Ngayon ko naisip na hindi ko na dapat pa ituloy ang The Face of Valencia's Royalty competition dahil may napili nako na magiging mukha ng aking company.

"Andrei, kailangan kita sanayin para matutunan mo kung paano mag patakbo ng isang kumpanya"

"Handa po akong matutunan lahat sir Quim! Lahat lahat po gagawin ko!"

"Mabuti, kailangan mong lumipad papuntang US para doon mag aral"

"Pero sir Quim, hindi ko po matatanggap yang offer mo sakin... Ayoko na pong umalis ng bansa, kahit nandito po ako sa pinas kaya ko pong matutunan lahat dahil hindi naman po ako mahirap turuan"

"Kung yan ang gusto mo Andrei, hindi ako tututol"

Nakahanap nako ng taong magiging mukha ng aking kumpanya at sisiguraduhin kong pag labas ni Andrei sa harap ng maraming tao ay magiging pasabog ito, pero bago ko gawin yun kailangan ko munang palitan ang identity ni Andrei.
Maraming kailangang baguhin sa kanya lalo na kung paano sya kumilos at mag salita.

"Andrei, dahil alam nilang patay kana dapat ibahin natin ang identity mo... Unahin na natin ang pangalan mo, kailangan ang pangalan mo palaban, kapag narinig nila siguradong hindi nila malilimutan"

"Pinag isipan ko na po ang tungkol dyan, sa totoo lang ho may napili na ho akong pangalan na ipapalit sa pangalan ko"

"Really, Ano bang gusto mong ipalit sa pangalan mo?"

"Ang pangalan na gusto ko ay ANTHONY CHENG!"

Nagulat ako ng marinig ko sa kanya na ang gusto nyang ipalit sa pangalan nya ay ang pangalan ng yumao kong pinsan, hindi ko maintindihan kung bakit ang napili nyang pangalan ay ang pangalan ng pinsan ko na ANTHONY.

"Ha, bakit ang pangalan ng namatay kong pinsan ang gusto mong ipangalan ko sayo?"

"Tulad nga po ng sinabi ko, nung nakita ko yung picture ni Anthony ay mukha syang matapang at matatag... Gusto kong maging katulad ni Anthony, gusto ko maging isang Anthony Cheng!"

"I like it, siguro nga fit na fit sayo ang pangalang Anthony Cheng dahil katulad ng pinsan ko, parehas kayong lumalaban"

"Hindi lang luha at pighati ang isasalpak ko sa mga mukha nila, sisiguraduhin kong papahirapan ko sila hanggang sila na mismo ang lumuhod sa harapan ko!"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon