CHAPTER 4

534 30 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 4]

• YVONNE LUSTRE POV:

(Ayan na si madam!)
(Bilisan nyo darating na si madam!)
(Kilos kilos! Bilis dadating na si ma'am!)

Nag kakagulo ang lahat sa pag dating ko, ito na ang araw ng pag babalik ko sa pinas.
Hindi na sana ako babalik pa dahil maganda na ang takbo ng negosyo ko sa France pero dahil naging successful ang YVONNE COSMETICS SALON sa France, nagkaroon ito ng branch dito sa pinas.
Mahigit 5 (limang) taon din akong nawala sa pinas at ngayong nagkaroon ng branch ang YVONNE COSMETICS dito, gagawin ko ang lahat maging maganda lang ang takbo ng negosyo ko.

"Yvonne, maganda siguro kung lalakihan natin tong salon... I'm sure magiging patok ang negosyo natin dito!"

"Oo naman, hindi ako papayag na mabaliwala lang ang punta ko dito sa pinas Danny!"

"Bakit nga ba sumama pa tayo dito sa pinas, eh ang ganda na kaya ng buhay natin doon sa France"

"May iba pang dahilan kung bakit ako bumalik dito, Danny!"

"Ano naman yan?"

"Gusto kong masingil si Andrei sa mga inagaw nya sakin"

"Hanggang ngayon ba hindi ka parin nakaka move on, Yvonne?!"

"Hinding hindi ako makaka move on hangga't wala sakin si Freddie! Alam mo ba kung anong mga nababalitaan ko sa France? Hanggang ngayon boyfriend parin ni Andrei si Freddie! Hindi lang yon dahil sa pag kakaalam ko nag sasama na sila!"

"Aba, ang swerte pala talaga ni Andrei na kahit hindi sya tunay na babae pinanagutan parin sya ni Freddie"

"Yun nga ang kinaiinisan ko eh, ako na tunay na babae hindi nabigyan ng pag asa para kay Freddie pero sya na bakla na bigyan ng pag mamahal na matagal ko ng inaasam!"

"Ang swerte naman pala ng sissy mo na yan mars!"

"Bwiset! Kahit kailan hindi ko tinuring na kapatid yang si Andrei, hindi sya karapat dapat ituring na kapatid dahil mas masahol pa sya sa kaaway!"

"Mars chill ka lang ano ka ba, kumpara sa inyong dalawa ni Andrei ikaw na ang karapat dapat kay Freddie no!"

"Paano mo naman nasabi ha, Danny?! Eh diba nga hanggang ngayon hindi ko padin alam kung saang lupalop ko pupuntahan si Freddie!"

"Mars ano ka ba, pag nag kita na kayo ni Freddie I know na ikaw ang pipiliin nya! Tignan mo yung sarili mo, ibang iba kana sa Yvonne na nakilala nila noon!"

"Pero hindi parin dapat ako makampante Danny dahil nandyaan parin si Andrei!

"So anong plano mo para mapasayo si Freddie?"

"You know what I can do, Danny... Sinira ni Andrei ang pag asa ko na mahalin ni Freddie, ngayon sisirain ko ulit yung pag asa nya na makasama si Freddie hanggang sa dulo ng buhay nya"

"Ano ba kasing gagawin mo, Yvonne?"

"Mag hintay ka lang, Danny... Malalaman mo rin ang mga plano ko..."

Gagawin ko ang lahat mapasaakin lang ulit ang taong pinakamamahal ko, kukunin ko kay Andrei ang lalaking inagaw nya lamang sakin.
Maybe this is the time para naman malaman nilang babalik nako sa mga walang kwentang buhay nila, I can't wait to see Andrei na umiyak ng dugo at pilitin si Freddie na piliin sya.
Alam kong hindi madali itong mga pinaplano ko para makuha ang taong mahal ko pero this is the only way para makuha si Freddie kay Andrei kaya kahit butas ng karayom susuutin ko makapasok lang sa buhay ni Freddie.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon