CHAPTER 12

425 23 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 12]

• YVONNE LUSTRE POV:

Sobrang saya ko pag kasama ko ang taong pinakamamahal ko, si Freddie lang ang tanging taong nagpapasaya sa akin at wala nang iba.
Sa kanya ko lang binuhos ang buong buhay ko at tunay na pagmamahal, wala na akong hihilingin pa dahil ngayon alam na ni Andrei ang tungkol samin ni Freddie hinding hindi na ako papayag pa na makuha nya ulit sakin ang taong bumuo ng pagkatao ko.

"Thank you for staying with me, I love you Freddie!"

"Of course I'll choose you, ikaw lang ang babaeng nag paligaya sakin ng ganto!"

"Hiniwalayan mo ba si Andrei?"

"Hindi pa Yvonne, hindi ko pa pwedeng hiwalayan si Andrei dahil kailangan ko pa sya ngayon"

"Ano ba yan, Freddie! Bakit ba hindi mawala wala sa landas ko yang Andrei na yan ha?!!"

"Kasi nga kailangan ko pa sya, hayaan mo kapag hindi ko na sya kailangan ako mismo ang mag tatapon sa kanya!"

"Siguraduhin mo lang talaga yang mga sinasabi mo sakin Freddie, dahil hindi ako tanga katulad ng kinakasama mong si Andrei!"

"Nag aalangan lang ako na baka sumira si Andrei sa usapan naming dalawa"

"Then do what he wants, wala naman na syang magagawa para pag hiwalayin tayong dalawa"

"Eh pano naman ako? Paano ako kapag nalaos ako? Hindi ko kayang mawalan ng career!"

"Ano bang tingin mo sakin, Freddie?! Tingin mo ba hindi kita kayang bigyan ng magandang career?! Ikaw na nga ang nag sabi Freddie na ibang iba ako sa kinakasama mong si Andrei! Hindi lang kitang paligayahin Freddie, kaya pa kitang bigyan ng magandang buhay!"

Natapos ang gabi na mag kasama kami ni Freddie, walang oras na lumipas na hindi kami magkayakap.
Ang sarap sa pakiramdam dahil ngayon hindi ko nalang tinitignan si Freddie sa picture, nakakasama nakakayakap at nahahalikan ko na sya sa pag kakataong ito.
Sobrang saya ko dahil finally nasa akin na ng buo si Freddie, pero alam kong hindi pa to sapat dahil ang alam ng mga tao sila parin ni Andrei.

"Freddie, ano ka ba naman akala ko ba hindi ka muna uuwi?"

"Ano ka ba Yvonne, hindi ako mapapakali hangga't hindi ko alam kung anong ginagawa ni Andrei sa bahay"

"Well, I'm sure nag mumukmok yon if hindi naiyak yon dahil hindi nya matanggap na isa syang loser!"

"Pero kailangan ko syang tignan, baka may ginagawa na yung kakaiba!"

"Please Freddie, wag kana umuwi oh! Please naman!"

"Yvonne hindi pwede, kailangan kong tignan kung anong ginagawa ni Andrei sa mga oras na to dahil baka kung ano ano ng ginagawa nya"

"I'm sure walang gagawin yun no, hayaan mo nalang kasi sya Freddie!"

"No, hindi ko sya pwedeng hayaan! Baka sa mga oras na to nasisira na yung careeer ko!"

"Wala namang kayang gawin yung baklang yon Freddie, he's nothing but a trash and a loser kaya wag kang matakot sa kung anong kaya nyang gawin!"

"Kinakabahan lang kasi ako ngayon Yvonne, gusto ko lang talaga puntahan sya and I promise bukas dito ako matutulog sa condo mo!"

"Promise?"

"Yes, I promise Yvonne!"

Gustuhin ko mang tumira na sakin si Freddie pero hindi pwede dahil kailangan nya paring pakisamahan si Andrei, pakiramdam ko hindi ko pa nakukuha ng buo si Freddie dahil hanggang ngayon doon parin sya nauwi sa bahay nila kasama ang Andrei na yon.
But I know na hindi mag tatagal makukuha ko din sya ng buong buo at walang kahati, dahil alam ko in the end of the day ako at ako parin ang mag wawagi sa laban naming dalawa ni Andrei

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon