CHAPTER 13

430 19 2
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 13]

• QUIM VALENCIA POV:

Mas lalong naging maganda ang takbo ng businesses at company ko, dahil doon mas marami akong natanggap na achievements.
Sobrang saya ko dahil sa wakas na tupad na din ang mga pangarap namin ni Maxine, pero ang nakakalungkot lang sa parte na to ang hindi ko sya kasama na tuparin lahat ng mga pangarap namin.
Kahit paaano sinusubukan ko namang maging masaya para lang maging maayos ang araw ko pero hindi talaga nawawala ang sandali na hindi ko malimutan ang alaala namin ni Maxine, sa mga oras dapat ngayon sya ang kasama kong tumanggap ng mga parangal.

"Hay nako, si Maxine nanaman ba ang dahilan kung bakit naka tunganga ka dyan Quim?"

"Miss na miss ko na kasi sya, Ed!"

"Bakit kaya hindi mo puntahan yang Maxine na yan, sabihin mo sa kanya na mahal na mahal mo sya para magkatuluyan na kayo!"

"Hindi ko nga alam kung nasaan ngayon si Maxine, wala akong idea kung nasaan sya Ed!"

"Ano?! Hindi mo alam kung nasaan si Maxine? Eh akala ko ba magkasama sila ngayon nung Paolo na yon?!"

"Ang pag kakaalam ko nung mga oras na nag mamakaawa ako sa kanya, sumama sya kay Paolo, pinag palit nya ako kay Paolo pero hindi nag tagal nagkahiwalay din silang dalawa... May mga nag sabing umalis daw ng bansa si Maxine, may mga nag sabi naman na nag pakamatay daw sya... Pero wala akong nakitang burol o libing ni Maxine, kahit puntod nya wala akong nalaman dahil pina imbistigahan ko yun sa private investigator ko"

"Ganun ba? Eh ano sa tingin mo kung nasaan ngayon si Maxine? Tsaka bakit may rumor na nag pakamatay sya?"

"Ang sabi sabi hindi nya daw nakayanan ang pag hihiwalay namin, sinubukan daw ni Maxine na kalimutan ako gamit si Paolo pero hindi parin daw nya nagawa... Nung nalaman nyang nawala ako nung time na lugmok ako, nag pakamatay daw si Maxine"

"Ang lagim pala ng mga nangyari kay Maxine no? Grabe nagawa nyang magpakamatay kung totoo nga yung rumor na yun!"

"Pinapanalangin ko na hindi sana totoo yun, gusto ko pang makasama si Maxine at mayakap Ed!"

Matagal ng bulong bulungan na nag pakamatay daw si Maxine dahil sa sobrang stress na nangyari saming dalawa, ayoko mang maniwalang nag pakamatay sya pero parang ganon na nga ang nangyari dahil hanggang ngayon hindi ko parin sya nakikita.
Masakit sakin na mawala si Maxine dahil sya lang yung babaeng tumanggap sakin noon kahit wala akong ipag mamalaki, minahal nya ako ng buong puso at walang alinlangan.
Sya lang ang nag paramdam sakin na worth it akong mahalin at sya lang ang nag iisang babae na bumuo ng pag katao ko.

"Oo nga pala Quim birthday pala ngayon ni si Velasquez, he's inviting us para pumunta sa birthday party nya"

"Talaga? Since maganda naman mag bigay ng shares si sir Velasquez sa company, sige pupunta ako"

"Hinahanap ka nga nya kanina pa sa may office nya eh"

"Bakit daw?"

"Kakausapin ka daw nya, yun ang sabi nya sakin... Sige mamaya na tayo mag usap Quim hindi pa kasi ako tapos mag print nung mga pinapagawa mo sakin eh!"

"Okay sige, take your time!"

Nag taka ako kung bakit pinapunta ako ni sir Velasquez sa office nya, pag punta ko doon naabutan ko syang busy sa pag aayos ng mga papers and office staff.

"Mr Velasquez, gusto mo daw ako makausap?"

"Oh yes, kanina pa kita hinahanap eh! Dadaan nga sana sa office mo kaso wala ka doon kanina"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon