CHAPTER 10

485 27 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 10]

• QUIM VALENCIA POV:

Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan si Maxine, halos araw araw ko syang naaalala.
May mga oras na hindi ako makapag trabaho ng maayos dahil sya ang nasa isip ko, hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala na sya sakin.
Madalas kaming pumunta sa tabing dagat para mag lakad lakad noon, walang araw ako na hindi naging masaya kapag kasama sya.

"Tulala ka nanaman, si Maxine nanaman ba yung iniisip mo?"

"Naalala ko lang Ed si Maxine, kung hindi nya lang sana ako iniwa sana kasama ko sya ngayong binubuo yung competition"

"Pre kailangang palayain mo na yung sarili mo, masyado kanang nakakulong sa nakaraan"

"Hindi ko kasi maiwasang hindi sya maisip ngayon pag pinag hahandaan ko na yung competition"

"Kung yung competition lang din pala yung nag papaalala sayo kay Maxine, pwede mo naman ng itigil yon"

"Pero Ed yun yung pangarap namin, gusto kong ituloy yun!"

"Itutuloy mo nga tapos hindi ka naman makaka move on, parang sinasaksak mo lang yung sarili mo eh"

"Importante samin ni Maxine yung competition na yun, Ed!"

"Kung yun ang dahilan kung bakit hindi ka maka usad sa buhay, itigil mo na!"

"Sa tingin mo ba kailangan ko ng kalimutan si Maxine?"

"Pre, ano ka ba?! It's been 5 years nung iniwan ka nya, baka nga sa mga oras na to hindi kana nya kilala eh!... Gusto ko ng kalimutan mo na si Maxine at mag move on kana sa kung anong nakaraan nyong dalawa!"

"Masyado akong napamahal sa kanya, parang hindi ko ata kayang kalimutan pa sya"

"Kaya mo yan, Quim! Kaya mong kalimutan yung babaeng nang iwan sayo! Bigyan mo naman ng kalayaan yung sarili mo, para naman magkaroon ng kasiyahan yang puso mo!"

Naaawa ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang bigyan ang sarili ko ng kasiyahan, halos mabuhay ako sa lungkot at galit ng iwan ako ng babaeng pinakamamahal ko.
Si Maxine ang babaeng bumuo ng pagkatao ko at hindi ko naman itinatanggi na sya din ang sumira nito, pero sa kabila ng pag durog nya sa puso ko hindi ko parin magawang makalimutan sya.

"Kung pinakinggan mo lang sana ako, Maxine... Kung pinanindigan mo lang sana ako... Kung nanatili ka lang sana sa tabi ko nung mga oras na lugmok na lugmok ako!... Edi sana hanggang ngayon tinutupad parin natin yung mga pangarap natin"

Bulong ko habang hawak hawak ang picture ni Maxine, inaamin ko na naging mahina din ako sa mga oras na yun kaya hindi ko sya nagawang ipag laban.
Pero paano mo nga ba ipag lalaban ang taong sya na mismo ang bumitaw.

"Excuse me sir, pinapatawag ho kayo ni sir Velasquez sa office nya"

"Sige Irene, pakisabi susunod nalang ako!"

"Sige po sir!"

Hindi ko gagawing dahilan ang madilim kong nakaraan para huminto sa buhay bagkus gagawin ko itong bala para lumaban sa giyera, mahina akong tao pero hindi ako sumusuko sa laban ng buhay.
Itong kumpanya ko nalang ang nagiging sandalan at tahanan ko sa tuwing binabalikan ako ng alaala ng nakaraan.

"Mr Velasquez pinapatawag nyo daw ako?"

"Yes, I just wanted to let you know na tataasan ko pa ang shares dito sa company mo this month! Since maganda naman ang takbo nito at nasa rank tayo ng pinaka successful company here in the Philippines syempre kailangan kong taasan ang shares ko para mas lalo pa tayong mag tagumpay!"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon