CHAPTER 8

466 27 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 8]

• ANDREI DELOS SANTOS POV:

"Sino naman kaya yung babae ni Freddie"

Hindi ko maiwasang tanungin ako sarili ko dahil sa nalaman kong may babae ang kinakasama kong si Freddie, pag iyak nalang ang tanging paraan ko para mabawasan ang lungkot na aking nararamdaman.
Kung totoo man ang sinasabi sakin ni Yvonne, hindi ko maiwasang isipin kung ano ba ang nagawa kong mali kung bakit nagawa ni Freddie na mang babae.

(PHONE CALL CONVERSATION)

"Hello, Andrei! Nakita ko si Freddie na pumunta sa isang hotel malapit dito sa condo na tinitirhan ko!"

"Sigurado ka bang si Freddie yung nakita mo, Yvonne? Si Freddie kasi nasa office ngayon eh"

"Oo siguradong sigurado ako na si Freddie ang nakita ko! Hindi ako pwedeng mag kamali!"

"Hindi naman siguro yun si Freddie, Yvonne... Hindi magagawa ni Freddie sakin yang mga sinasabi mo.."

"Andrei totoo ang mga sinasabi ko! Kitang kita ng dalawang mata ko na si Freddie ang lalaking nakita ko!"

"Yvonne hindi magagawa sakin ni Freddie yan, may tiwala ako sa kinakasama ko.."

"Alam mo bahala ka sa buhay mo basta sinabi ko na sayo na nambabae yung kinakasama mo!"

"Alam mo kasi Yvonne hindi magagawa sakin ni Freddie yon"

"Kung ayaw mong maniwala, go find it by yourself! Itetext ko sayo yung address kung nasaan sila ngayon! Puntahan mo agad para magkaalaman na kung nag sasabi ba ako ng totoo!"

(END OF PHONE CONVERSATION)

Wala naman sigurong mawawala kung hindi ko mismo titignan kung totoo ba talaga yung mga sinasabi sakin ni Yvonne o hindi, siguro naman may karapatan akong malaman ang katotohanan kung totoo bang niloloko ako ni Freddie.

(Beep! Beep!!)

Lutang ang isip ko dahil sa mga sinabi sakin ni Yvonne tungkol kay Freddie, hindi ko napansin na sa kalsada na pala ako nag lalakad at namalayan ko nalang ito ng may bumusina saking sasakyan.

"Ano ba, mag papakamatay ka ba?!"

"Pasensya na ho!"

"Pasensya? Eh paano kung masagasaan kita ha?! Edi kargo de konsensya pa kita!"

"Pasensya na talaga.."

"Sa susunod wag kang palakad lakad dyan sa kalsada dahil baka masagasaan ka! Makaperwisyo ka pa ng tao! Umalis ka nga dyan!"

Nagalit yung lalaking nasa loob ng sasakyan na busina sakin, hindi ko naman talaga gustong pirwisyuhin ang mga tao sa paligid ko, hindi ko lang talaga maiwasang hindi isipin na may ibang kinalantari ang kinakasama ko.

(PHONE CALL CONVERSATION

"Dyan mismo, yang hotel na yan! Dyan mismo nag check in si Freddie, Andrei!"

"Sigurado ka ba? Ayoko ng tumuloy natatakot ako, Yvonne"

"Wag kang matakot, karapatan mong malaman kung ano ang totoo!"

"Yvonne, parang hindi ko yata kakayanin to"

"Andrei, puntahan mo na! Para malaman mo na kung ano ang totoo!"

(END OF PHONE CALL CONVERSATION)

Nilakasan ko na ang loob ko na pumunta sa receptionist para tanungin kung totoo bang nandoon ang kinakasama ko, natatakot akong malaman na may babae talaga ang kinakasama ko dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko kung sakaling totoo man ito.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon