CHAPTER 17

398 23 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 17]

• FREDDIE LIU POV:

Siguro ito na ang panahon para mahalin ko na si Andrei, siguro nag kamali nga ako noon na baliwalain yung pag mamahal nya para sakin.
Sobrang pinang hihinayangan ko ang mga sandali na wala ako sa tabi nya para mahalin din sya dahil nabulag ako ng pag mamahal ko kay Yvonne, maybe this is the time para ibigay kay Andrei kung anong nararapat sa kanya.

"Patawad Andrei kung hindi ako naging mabuting partner sayo"

Bumubulong ako sa sarili ko habang hawak ko ang picture naming dalawa ni Andrei, pinag sisisihan ko na binaliwala ko ang pag mamahal na binuhos nya sakin ng limang taon.

"Oh, bakit tinitignan mo yang picture nyo ni Andrei?"

"Pao?!... Kanina ka pa dyan?!"

"Wag ka mag alala, kakarating ko lang... Mukhang busy ka dyan kakatitig sa picture ni Andrei ah?"

"Uhm, ano kasi- -"

"Oh, bakit parang nautal ka ata?"

Sa totoo lang kailangan ko na atang sabihin  kay Paolo ang desisyon ko, desisyon na gusto ko ng pakasalan si Andrei sa mas lalong madaling panahon.

"Pao, may gusto sana akong sabihin sayo"

"Ano nga yun?... Kanina pa ako tanong ng tanong sayo hindi mo naman ako sinasagot"

"Uhm, nahihirapan kasi akong sabihin sayo eh..."

"Na ano?!... Sabihin mo na kasi!!... Wag mo nakong bitinin!"

"Oo na eto na!... Uhmm, gusto ko na kasing pakasalan si Andrei!"

"ANO?!"

Gulat na gulat si Paolo sa sinabi ko sa kanya, halos nanlaki ang mata nya at hindi sya makapag salita dahil sa narinig nya mula sakin.

"Tama yung narinig mo, gusto ko ng pakasalan si Andrei"

"Seryoso ka ba dyan?... Teka alam na ba yan ni Tita Sylvia okay ba sa kanya?"

"Hindi ko pa nga nasasabi kay mom eh, pero buo na yung decision ko... Mahal ko na si Andrei pre, napatunayan ko yun sa sarili ko!"

"Alam mo Fred, nandito lang naman kaming mga kaibigan mo para suportahan ka kaya kung saan ka magiging masaya dun na din kami!"

"Talaga?!... So okay lang sa inyo na mag pakasal nako kay Andrei?!"

"Oo pre, basta support lang kami sayo!... Teka, saan nga pala kayo mag papakasal?"

"Sa U.S kami mag papakasal pre, mag po-propose nako agad sa kanya once na malaman to ni Mom!"

"Oo nga pala Fred, paano na si Yvonne?"

"Si Yvonne? Ako ng bahala kumausap kay Yvonne..."

Alam kong hindi matatanggap ni Yvonne ang naging desisyon ko para sa aming tatlo ni Andrei, I'm sure na mag wawala sya once na malaman nyang mag papakasal ako kay Andrei at tuluyan ko na syang iiwan.
Hindi naging madali sakin to dahil alam kong si Yvonne ang unang unang tao na hindi sasang ayon sa kagustuhan ko, kaya pumunta ako sa condo nya para kausapin sya ng maayos.

"Yvonne!"

Sumisigaw ako habang kumakatok sa pinto ng condo nya, maya maya lang at pinag buksan nya na ako ng pintuan.
Kinakabahan ako at pinag papawisan sa gagawin ko pero kailangan ko itong sabihin kay Yvonne dahil karapatan nya itong malaman.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon