CHAPTER 34

368 22 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 34]

• ANTHONY CHENG (ANDREI) POV:

(PHONE CALL CONVERSATION)

"Hello, Quim? Pwede mo ba akong sunduin ngayon? Iniwan kasi ako ni Freddie eh"

Sabi ko kay Quim habang kausap ko sya sa cellphone, hindi ko akalaing si Yvonne parin ang pinipili ni Freddie pagkatapos ng mga nangyari samin ni Yvonne.
Talagang hindi sya nag babago at mas inuuna nya parin ang sasabihin ng ibang tao kesa sa gusto nya, sa mga ginawa ni Freddie pagkatapos naming mag salpukan nu Yvonne sa kalsada ay napatunayan ko lang na mas importante si Yvonne kaysa sa akin.

"Saan ka ba ngayon Anthony? Wag kang mag alala, susunduin kita dyan... Kahit anong mangyari pupunta ako!"

"Salamat Quim ah? Pasensya kana kung pati ikaw na istorbo ko"

(PHONE CALL CONVERSATION ENDED)

Bakit ganto ang pakiramdam ko, parang hindi ako sumasaya sa mga ginagawa ko.
Pero hindi ko dapat itigil to, lalo na't ngayong malapit ko ng makuha lahat ng kung anong meron sina Freddie at Yvonne.
Humanda silang lahat dahil magigising nalang sila isang araw, wala na ang lahat ng bagay na pag mamay ari nila.

"Nasaan na kaya si Quim, dumidilim na pero wala pa sya"

Hindi ko namamalayan na may dalawang lalaki na palang nililihim na tumitingim tingin sakin, maya maya lang ay bigla na silang lumapit.

"Oy oy oy, tignan mo nga naman... Kung sinuswerte ka nga naman pre oh"

"Oo nga pare, mukhanb big time tong lalaking to ah!"

Yan ang sabi ng dalawang lalaki na lumapit at umaaligid aligid sakin, ilang saglit lang ay hindi na sila nakatiis at bigla nalang nila akong hinawakan sa braso.

"Ano ba, bitiwan nyoko!!"

Sigaw ko sa kanilang dalawa habang nag pupumiglas sa pagkakahawak nila sa braso ko, natatakot ako nung mga oras na to at hindi ko alam ang gagawin ko.

"Wag kanang pumalag!!"

Sabi ng isa sa mga lalaking nakahawak sa kamay ko, pilit akong nag pupumiglas mula sa pagkakahawak nila.
Nang makabitaw ang isang lalaki sa aking braso, ginawa ko tong pag kakataon na to para sapakin ang isa sa kanila ngunit pag katapos kong sapakin yung isanb lalaki ay agad naman ako nitong sinikmuraan.

"LUMALABAN KA PANG HAYOP KA AH!!"

"A-Ah m-mga hayop kayo! Pakawalan nyo!"

"BIGAY MO SAMIN LAHAT NG PERA MO KUNG AYAW MONG MALAGUTAN NG HININGA DITO!"

Napaupo nalang ako sa sobrang sakit ng pag kakasuntok nila sa sikmura ko, halos hindi ako makapag salita habang namimilipit sa sakit.
Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay dumating na rin si Quim, mabuti pa't si Quim na hindi ko pa gaanong nakakasama ng matagal ay palaging nandyan sa tabi ko.

"HOY, BITIWAN NYO SI ANTHONY!!"

Sigaw ni Quim sa dalawang lalaking gustong nag tatangka ng buhay ko, agad naman nilapitan ni Quim ang dalawang ito at sinalubong nya agad ng sapak, suntok at sipa.

"P-Pre, tara na!! Umalis na tayo!"

Ang laki ng pinsala ng dalawang lalaki dahil sa pambubugbog ni Quim kaya agad silang nag takbuhan palayo samin, agad naman akong nilapitan ni Quim habang nakaupo sa sahig at namimilipit sa pag suntok nila sa aking sikmura.

"Anthony, are you okay?"

Inalalayan ako ni Quim para makatayo at bigla nya akong niyakap, ramdam na ramdam ko sa mga oras na to na talagang pinapahalagahan ako ni Quim.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon