CHAPTER 28

406 30 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 28]

• QUIM VALENCIA POV:

"Saan ka nanaman pupunta Anthony?"

Nakita kong bihis na bihis si Anthony na tila may pupuntahan syang importante, hindi naman nya nasabi sakin kung saan sya pupunta kaya ganto nalang ako mag alala sa kanya.
Simula nung dumating sa buhay ko si Anthony ay hindi na sya naging iba sakin, tinuring ko na syang isang kaibigan kahit anong oras ay pwede kong sandalan.

"Diba nasabi mo sakin na bumabagsak na ang company nila Freddie, Quim? Ngayon ko kasi aayusin yung mga papeles para maging legal nila akong maging share holders!"

"Hindi mo nanaman sinasabi sakin yang mga ganyang desisyon mo, sabihin mo naman sakin ang mga tungkol dyan Anthony para nagagabayan kita"

"Pasensya kana Quim, masyado lang akong nag madali dahil ayokong may makakuha ng iba para maging bagong share holders ng company nila Fred"

"Sana manlang inabisuhan moko, alam mo namang ayokong may mangyaring masama sayo!"

"Sorry Quim, hangga't may nakikita kasi akong pag kakataon para makapasok lalo sa buhay nila Freddie at Yvonne hindi nako nag dadalawang isip na kunin ang pagkakataong yon"

"Alam ko naman yun Anthony, alam kong gusto mong ibalik sa kanila lahat ng mga ginawa nila sayo... Alam ko ding sabik ka mag higanti sa kanila kaya please... Bigyan mo naman ako ng knowledge sa mga step na ginagawa mo para naman hindi ako nag aalala sayo"

Simula nung sinabi ko kay Anthony lahat ng mga yan ay natuto na din syang sabihin sakin lahat ng mga pinaplano nya para sa kumpanya nila Freddie, alam na alam ni Anthony kung gaano kahalaga ang company nila Freddie para sa pamilya nya kaya kung mapapasakanya ang company nila Freddie siguradong guguho ang mundo nila.

"Ano bang plano mo Anthony?"

"Gusto ko maging share holders ng company, gusto ko ako ang humawak ng shares ng company hanggang maging manager ako nito!... Pag nangyari yon, hindi na malabo na mapasaakin ang kumpanya nila Freddie"

"Tutulungan kita Anthony, may kilala akong Atty para maisagawa ang mga plano natin tungkol sa pamilya ni Freddie"

"Salamat Quim, salamat dahil kahit kailan hindi ka nawala sa tabi ko para gabayan ako"

"Pababayaan ba kita Anthony ngayong hindi kana iba sa akin, kaibigan na ang turing ko sayo kaya hindi ako mag dadalawang isip na tulungan ka"

"Salamat... Maraming salamat Quim!"

Niyakap ako ni Anthony sa sobrang saya nya dahil sa mga sinabi ko, ngayon ko nalang ulit naramdaman ang mayakap ng isang taong malapit sakin.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga sandaling to ngunit nung niyakap ako ni Anthony biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Mukhang may iniisip ka ata?"

Tanong ni Ed ng makita nya akong nakatingin sa picture ni Maxine, bigla kong naalala si Maxine nung mga oras na niyakap ako ni Anthony.

"Si Maxine nanaman ba yan?"

"Ed, bigla kong naalala si Maxine kay Anthony nung mga oras na niyakap nya ako"

"Niyakap ka ni Anthony? Ang alam ko ayaw na ayaw mong may yumayakap sayo ah?"

"Hindi ko alam Ed, nung niyakap ako ni Anthony parang hindi ako nakagalaw... Hindi ko naman sya niyakap pabalik pero ramdam na ramdam ko ang init ng yakap nya"

"Ibig sabihin ba non okay kana? Simula kasi nung nawala si Maxine hindi kana tumanggap ng yakap"

"Hindi ko alam Ed, hindi ko alam kung ano bang nangyayari sakin"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon