CHAPTER 35

380 27 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 35]

• ANTHONY CHENG (ANDREI) POV:

Ang araw ng competition ay dumating na, kahit wala akong masyadong alam sa pag me-make up ay gagawin ko parin ang lahat ng makakaya ko maitayo lang ang bandera ng Valencia's Group of Company.
Lahat gagawin ko manalo lang sa competition na to para makabawi sa lahat ng naitulong sakin ni Quim, pinapangako ko na hinding hindi ko bibiguin si Quim sa pag pili nya sakin upang sumali sa competition na to.

"Ready kana ba for the competition Anthony?"

Tanong sakin ni Quim habang hawak ang mga kamay ko, alam kong alam ni Quim na kounti lang ang knowledge ko sa Make-Up Arts kaya ganon nalang sya mag alala sakin.

"Tatapatin na kita Quim, kinakabahan ako para sa competition na to"

"Wag kang kabahan Anthony, kahit hindi ka manalo okay lang sakin yon dahil alam ko namang kaunti lang ang kaalaman mo sa gantong bagay"

"Pero hindi dapat ako sumuko Quim, gagawin ko lahat mag stand out lang ang VGC sa competition na to!"

"Hindi kita pine pressure Anthony, ang sakin lang ay sapat na nandito ka para sa company natin"

Habang nag uusap kami ni Quim hindi namin inaasahang nasa likuran ko na pala si Yvonne, hindi ko nanaman alam kung anong pakay ng babaeng to kung bakit sumusulpot nanaman sya sa harap ko.

"Oh hi, Yvonne! Nice seeing you here!"

Bigla nalang nilapit ni Yvonne ang ilong nya sakin para amuyin ang pabango ko, mukhang nawawala na ata sa sarili ang babaeng to kaya kung ano ano nalang ang mga ginagawa niya.

"Nagustuhan mo ba yung pabango ko Yvonne? Wag ka mag alala, papamaskuhan kita nyan!"

"I don't want anything from you Anthony! Ayokong tumanggap ng mga basura na galing sayo!!"

"Oh my God, hindi pa nga nag sisimula ang competition pero nagiging bayolente kana... Ipapaalala ko lang sayo Yvonne ha, nandito tayo para magpakita ng talento na PATAS at hindi makipag bangayan sayo sa BASURAHAN... I hope this time, hindi mo na makalimutan ang manners mo"

"Bwiset ka talaga!! Hinding hindi ka mananalo Anthony tandaan mo yan, I study sa France para maging magaling na Make Up Artist unlike you na hindi namin alam kung saang basurahan nanggaling!"

"The prove us na mas maganda ang gawang peke na KATULAD MO, kesa sa gawang natural KAGAYA KO!... Let's go, Quim!"

Hindi na pinatagal pa ang pag hihintay ng mga tak at sinimulan na nilang umpisahan ang competition, ilang saglit ang ay lumabas na din ang host nasabing kompetasyon.

HOST: Good evening everyone! Ngayong gabi natin malalaman kung sino ang tatanghalin na MAKE-UP ARTS PH 2020! Excited na ba kayong malaman kung sino ang tatanghalin na panalo?

(Yes, please start the competition!)
(Can't wait kung sino ang mananalo!)
(Please start!)

Ilan lang yan sa mga sinisigaw ng mga audience sa nasabing competition, halatang halata sa kanila na nasasabik na silang malaman kung sino ang nanalo.

HOST: Then let the competition, BEGIN!

Nagkatinginan kaming dalawa ni Yvonne bago mag simula ang competition, inaamin ko na hindi ko maipapangako na mananalo ako sa competition na to dahil konti lang ang kaalaman ko sa pag M-Make Up.
Busy ang lahat ng mga candidates sa pag M-Make Up ng kani-kanilang mga models habang ako naman ay hanggang ngayon konti palang ang nagagawa.
Habang inaayusan ko ang model ko, hindi ko maiwasang hindi mapalingon kay Quim.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon