CHAPTER 20

451 25 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 20]

• QUIM VALENCIA POV:

"Are you in Sir Velasquez?"

Yan ang tanong ko kay Sir Velasquez dahil ngayong alam nya na itutuloy ko ang competition, alam kong hindi mahirap kausap si Sir Velasquez kaya sya ang nilapitan ko para gawing sponsor ng competition event.

"Kailan mo naman ito gagawin, Quim?"

Tanong sakin ni Sir Velasquez, alam kong willing din syang isatupad ang competition na to dahil alam nyang mas lalong makikilala ang company namin kapag nagawa namin ito.

"I hope sa mas lalong madaling panahon Sir Velasquez"

"Okay, I'm in! Just promise me na magiging successful ang competition na to!"

"I will not disappoint you Sir Velasquez, matagal kong pinag handaan tong competition na to and I do everything para lang maging successful to"

"I know kung gaano kahalaga tong competition na to para sayo Quim, kaya palagi kitang susuportahan sa lahat ng plano mo for this company"

"Thank you very much sir!"

Pag kaalis na pag kaalis ni Sir Velasquez ay agad naman dumating si Ed para kamustahin ang naging desisyon ni Sir Velasquez para sa competition na isasagawa namin.

"Anong sabi? Payag ba si Sir Velasquez?"

"Yup, sabi ko naman sayo Ed na hindi tayo bibiguin ni Sir Velasquez!"

"Ang galing mo talaga! Alam mo hindi ko malaman kung bakit napaka lakas mo don kay Sir Velasquez!"

"Hindi naman sa malakas, alam kong suportado lang talaga sakin yun si Sir Velasquez dahil matagal naman na din sya sa company na to at syempre hindi na rin iba si sir satin"

"Sabagay, pero kailan nga ba natin sisimulan yung competition?"

"Kung kinakailangan, bukas na natin simulan! Kailangan makahanap tayo ng lalaki na magiging The Face of Valencia's Royalty!"

"Ha? Lalaki? Bakit lalaki yung gusto mo?"

"Gusto ko lalaki ang maging model ko para maging mukha ng company ko, it's like sumisimbolo ito ng katapangan at katatagan sakin"

"Oo nga no, mas maganda nga kung lalaki"

"But before that, kailangan na nating mag handa para sa audition!"

So dumating na nga ang araw na pinakahihintay naming lahat, ang araw na pinangako ko kay Maxine noon.
Dumating na ang araw kung saan sinisimulan na namin ni Ed ang mga mag o-audition para sa The Face of Valencia's Royalty.
Matagal tagal ko tong hinintay na ipatupad dahil ito ang pangarap naming dalawa ni Maxine, kung nandito lang sana si Maxine masaya sana naming binubo ang competition na to.

"Miss na miss na kita, Maxine... Kung nandito ka sana I'm sure magiging masaya ka dahil natupad na ang pangarap nating dalawa... I'll never forget your smile, smile that can make me feel better"

Tila kinakausap ko ang litrato ni Maxine habang nakaupo, sigurado akong magiging masaya na ngayon si Maxine kung nasaan man sya ngayon dahil sa wakas na natupad na din ang mga pangarap naming dalawa.

"Sigurado talagang magiging masaya yon si Maxine, Quim!"

"Ed?! Kanina ka pa dyan?... Bigla bigla ka nalang talagang sumusulpot!"

"Hindi naman, kakarating ko lang... Kinakausap mo nanaman yang picture ni Maxine no?"

"Iniisip ko lang kasi kung nandito sana sya ngayon edi sana masaya naming tinutupad ang pangarap naming dalawa"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon