CHAPTER 42

361 26 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 42]

• YVONNE LUSTRE POV:

"Hindi ako pwedeng mag patalo ng ganon ganon nalang, kailangan mapasakin lang si Freddie!"

Ipinangako ko sa sarili ko na hanggang sa kahuli hulihang hininga ko ay si Freddie ang makakasama ko, hindi ko hahayaang sirain ni Andrei ang buhay ko.
Kahit anong pangalan pa ang gamitin nya hinding hindi ako mag papatinag sa kanya kahit anong mangyari, sisiguraduhin kong ako ang mag wawagi sa puso ni Freddie at tuluyang mawawala sa landas ko yang Andrei na yan.
Kung hindi man sya namatay noon pwes gagawa't gagawa ako ng paraan para lang hindi sya ang mag wagi.

"Freddie, kausapin mo ako!"

Pinuntahan ko si Freddie sa office nya para makausap at makapag paliwanag ako sa lahat ng mga sinabi ni Andrei sa VGC event, ngunit nanatiling naging sarado ang tainga nya para makinig sa mga paliwanag ko.

"Bakit nandito ka nanaman ba Yvonne?"

"Mag papaliwanag ako, hindi totoo lahat ng mga sinasabi ni Andrei nung nasa event tayo!"

"Nasabi na sakin ni Andrei lahat! Ikaw ang dahilan kaya't kamuntik mintikan na syang mamatay! Hindi ka pa ba kontento ha Yvonne? Alam mo, nag tataka nga ako kung bakit nakakalaya ka pa hanggang ngayon eh kasi kung ako kay Andrei pinakulong na kita!"

"Wala syang matibay na proweba na ako ang nag dala sa kanya sa bingit ng kamatayan!"

"Wag mo na dagdagan pa ang kasinungalingan mo Yvonne, huling huli kana nag papalusot ka pa!"

"Baka nakakalimutan mo Freddie, alam ko na ginamit mo si Andrei para sumikat sa social media!! Baka gusto mong pasabugin ko ang sikreto mo!"

"Wala nakong pakealam Yvonne, kung tutuusin huli kana dahil kalat na kalat na yan sa buong pinas! Tsaka wag mo na nga akong malapit lapitan dahil ayokong nakikita yang pag mumukha mo!"

Hindi na nag atubi pang mag tagal si Freddie na kausap ako at tuluyan nya na nga akong iniwan sa daan, hindi ko akalaing natalo ako ni Andrei ng ganon ganon lang pero hindi parin ako susuko.
Gagawin ko ang lahat maibalik ko lang si Freddie sa buhay ko, hindi ako mag sasayang ng panahon para maibalik sakin muli si Freddie.

"Mars, ayaw na nga sayo diba kaya tigilan mo na yang pag hahabol mo!"

"Hindi ako titigil Danny, babawiin ko si Freddie doon sa hayop na Andrei na yon!"

"Paano? Eh sinusuka kana nga ni Freddie eh!"

"Wala akong pake kahit ilang beses pa nya akong isuka Danny dahil hindi ako titigil maibalik ko lang ang pag mamahal sakin ni Freddie!"

"Aba mars nababalik kana talaga, ipag sisiksikan mo talaga yang sarili mo doon sa lalaking yon? Eh kulang nalang isako kana non na parang basura eh!"

"Tumigil ka nga dyan Danny!! Hindi ako makapag isip dahil dyan sa kaartehan mo!"

"Mars, sinasabi ko lang naman sayo yung mga pwedeng mangyari"

"Pwes I don't need your opinion, kaya tumahimik kana lang dyan at tulungan ako kung paano ko makukuha ulit si Freddie!!"

(Wang wang wang)
Nag taka ako dahil may narinig akong police siren sa labas ng bahay, agad naman akong sumilip sa bintana para tignan kung anong nangyayari sa labas.

"Bwiset Danny may mga police!"

"Ha? Eh anong gagawin natin Yvonne!!"

"Tatakas ako, doon ako lalabas sa likod para makatakas ako!!"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon