CHAPTER 25

468 32 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 25]

• ANTHONY CHENG (ANDREI) POV:

Ang araw na pinag handaan ko ay dumating na, wala ng makakapigil pa sa pag papakilala ko sa maraming tao.
Ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw na makikilala nako ng mga tao bilang Anthony Cheng.
Hindi ko hahayaang maging walang saysay tong pinag hirapan ko dahil ibubuhos ko ang lahat ng natutunan ko sa giyerang haharapin ko, ito na ang araw ng paniningil ko sa mga taong inapakan ang pagkatao ko.
Lahat sila mag babayad, lahat sila sisingilin ko sa lahat ng mga ginawa nila sakin.

HOST: Good evening ladies and gentlemen! This is the night that you've waiting for, ang gabing makikilala na natin ang lalaking napili para maging THE FACE OF VALENCIA'S ROYALTY na si MR ANTHONY CHENG!

Una nang nag salita ang host ng event habang kasabay naman nito ang malakas na music, ito na ang gabing pinaka hihintay ng lahat.
Ngayong gabi na gaganapin ang THE FACE OF VALENCIA'S ROYALTY LAUNCH EVENT.

"Can't wait to see Anthony on stage, Ed!"

Sabi ni Quim habang nag hihintay na i-introduce ako ng host sa maraming tao, habang nasa back stage ako nakikita ko na ang daming tao na pumunta sa launch event kabilang na don si Freddie Liu at ang kaibigan nyang si Paolo.

HOST: Are you ready para makilala ang lalaking napili para maging THE FACE OF VALENCIA'S ROYALTY?!

(Yes! We're excited to know him!)
(Hindi na kami makapag hintay!)
(Please introduce him!)

Ilan lang yan sa mga sinisigaw ng mga tao sa launch event, I think they're really excited to know me and I'm excited din para mag pakilala sa kanila.

HOST: Heto na sya! Presenting, the SMART, the HANDSOME and the most SEXIEST man here in VGC... MR ANTHONY CHENG!!

Nag palakpakan ang mga tao nung lumabas ako sa stage para mag pakilala sa kanila, tila naging maingay ang mga tao dahil sa palakpak at hiyaw nung mga oras na nakita nila ako.

HOST: Wow, napaka gwapo naman pala talaga nito ni Mr Anthony Cheng!... So Mr Cheng, can you introduce yourself for us?

"Yes of course... So good evening everyone, I think you guys already know my name because Mr Montez said it earlier.. I'm also a business man and I also have some other businesses... Kung hindi nyo natatanong, I'm a bisexual part of LGBT!"

Kitang kita ko sa dulo si Freddie habang nakatayo ako sa stage, halatang halata sa mukha nya na hindi sya makapaniwalang makikita nya ulit ang pag mumukhang ito, ang mukhang inapi, pinaasa at sinaktan nya ng todo.

HOST: Hindi nga nag kamaling IKAW ang napili ng VGC para maging mukha ng company nila!... Pero Mr Anthony, usap usapan ngayon mismo dahil napansin ng ilang mga guest natin dito na magkamukhang kamukha daw kayo ng dating sikat na si Andrei Delos Santos, agree ka po ba doon Mr Cheng?

"Well, I don't know who's Andrei Delos Santos but if mag kamukha nga kaming dalawa base sa mga sinabi ng ilang guest, then maybe it's true!"

HOST: Napakabait naman pala nitong si Mr Cheng! Hindi lang mabait dahil may taglay pang kagwapuhan! Hindi nako nag tataka kung nakuha mo ang atensyon lahat ng tao dito sa event na to!

Hindi ako makapaniwala dahil ngayong gabi lang ay nakuha ko agad ang loob ng mga tao, hindi nako mag tataka kung bukas ay sikat nako sa media.

HOST: May I invite sir Quim Valencia here on stage?

Agad namang umakyat si Quim sa stage nung narinig nya ang pangalan nya, tumayo sya sa gitna namin ng host habang nakatingin sakin.

"Good morning everyone, thank you for coming here sa launch event na to!"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon