CHAPTER 19

405 23 2
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 19]

• YVONNE LUSTRE POV:

Alam ko na hinding hindi nako iiwanan pa ni Freddie dahil sa laban naming dalawa ni Andrei ako ang nag wagi, kung hindi lang sana lumaban pa si Andrei wala sana sya ngayon sa putikan.
I'm sure sa mga oras na to ay nawawala na sya sa sarili kakaisip ng kung ano ano saming dalawa ni Freddie, poor Andrei dahil sigurado akong pagkatapos nyang madapa sa katangahan sa mental naman sya hahatulan.

"Mars, yung mga papers nandito lang ah? Baka kasi hanapin mo nanaman sakin!"

"Danny, nakikita mo pa ba si Andrei?"

"Hindi ko na sya nakikita mars, bakit mo naman sya hinahanap?"

"Wala lang, naninibago lang kasi ako na hindi ko na sya nakikita"

"Ganun ba? Ano na kayang ginagawa nya ngayon"

Ilang araw ko ding hindi nakita si Andrei simula nung nalaman nyang mag kakaanak na kami ni Freddie, I know na hindi pa sya nakakamove on ngayon and I still wonder kung bakit hindi sya nag paparamdam.

"Dito ba nakatira si Linda?"

"Oo dito nga! Sino ka?"

"Pwede ko ba syang makita? Pakisabi ako yung pinaka matalik na kaibigan nya!"

"Teka lang tatawagin ko"

Hindi nag tagal at lumabas din si Andrei sa loob ng bahay nya, mukhang nawawala na talaga sa sarili tong lalaking to dahil sa itsura nya ngayon.

"Hi, Andrei! How are you?!"

"Anong ginagawa mo dito, Yvonne?!

Binibisita ka lang naman! Bakit, ayaw mo ba akong makita?"

"Ano bang problema mo Yvonne?! Lahat na kinuha mo sakin, ano pa bang gusto mo ha?! Lahat lahat na nawala sakin Yvonne ng dahil sayo!!"

"So dramatic, pumunta lang naman ako dito para i-check kung nasa katinuan ka pa!"

Nakita ko ang galit sa mga mata ni Andrei, maya maya lang ay bigla syang lumapit sakin at hinawakan ako sa braso.
Tumitig sya sakin na parang gusto nya na akong patayin sa mga oras na yun, kitang kita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata.

"WAG NA WAG MOKONG SUSUBUKAN YVONNE!!"

"Aray, ano ba?! Bitiwan mo nga ako!!"

"SA KAHAYUPANG GINAWA MO SA BUHAY KO BAKA HINDI AKO MAKAPAG PIGIL AT MASAKTAN NA KITA!"

"Tulong!! Tulong!!... Bitiwan moko, Andrei!!... Tulungan nyoko inaatake ako ng baliw!!"

Agad naman akong tinulungan ng mga taong nakapaligid samin, hinawakan nila ang kamay ni Andrei.
Nag pupumiglas si Andrei habang hawak ng dalawang lalaki yung kamay nya, mukhang naniniwala ang mga taong to sa sinasabi ko.

"Kuya, baliw yang lalaking yan! Wag nyo yang bibitawan baka saktan ako nyan!"

"Ganun ba?! Sige miss kami na bahala dito!"

"Teka, hindi ako baliw!!... Ano ba Yvonne, alam mong hindi totoo yan!!... Bitiwan nyoko, hindi ako baliw!!"

Kinaladkad si Andrei ng dalawang lalaki papasok ng bahay nila, I'm sure hindi mag tatagal malalaman ng maraming tao na ang dati nilang ini-idolo na si Andrei ay isa na palang baliw ngayon.
Kinulong si Andrei ng tiyahin nyang si Marissa sa pag aakalang nababaliw na talaga ito, wala naman don sa bahay nung mga oras na yun ang mga magulang ni Andrei para ipag tanggol sya.
Kawawang Andrei dahil wala syang nagagawa para ipag tanggol ang sarili nya, hindi nako mag tataka kung isang araw ay matuluyan na talaga syang mabaliw.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon