CHAPTER 44

404 22 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 44]

• FREDDIE LIU POV:

Siguro kailangan ko nalang tanggapin na hindi na ako ang tinitibok ng puso ni Andrei, kailangan ko ng harapin ang reality na may mahal na syang iba.
Siguro ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay ang humingi ng tawad sa kanya sa lahat ng mga nagawa kong masama kay Andrei, yun nalang ang nararapat kong gawin para maitama lahat lahat ng pag kakamali ko.
Kahit hindi ko alam kung mapapatawad pa ba ako ni Andrei pero gagawin ko parin ang lahat para mapatawad nya lang ako, bago manlang sana ako pumuntang America ay mapatawad nya ako.

"Freddie! Freddie please kausapin mo ako!"

Nagulat ako nang makita ko si Yvonne sa labas ng bahay na parang nawawala na sa sarili, hindi ako nag dalawang isip na puntahan at kausapin si Yvonne.

"Bakit ka nanaman ba nandito Yvonne?!"

"Freddie, totoo bang aalis kana ng bansa ha?"

"Wala kana don, tsaka isa pa bakit ba nandito ka? Diba may kasalanan ka sa batas?! Kailangan pag bayaran mo yung pag tatangka mong pag patay kay Andrei!!"

"Wala akong pakealam!! Freddie please, isama mo nako sa America! Mag sama nalang tayong dalawa!"

Hinawakan ni Yvonne ang mga kamay ko at tumingin sya sa aking mga mata na nag mamakaawang balikan ko pa sya, hindi ko na mahal si Yvonne at malaking pag kakamali na mahalin sya.
Kung hindi dahil sa kanya ay hindi masisira ang pag sasama namin ni Andrei, sapat na yun maging dahilan para hindi na balikan ang babaeng katulad nya.

"Pakiusap Freddie, wag mokong iwan please!"

"I'm sorry Yvonne, pero ayoko na sayo!"

"Ah, ganon ha!"

Lumapit si Yvonne sakin at tinakpan ang ilong ko ng panyo na may gamot pampatulog, maya maya lang ay nawalan na ako ng malay at hindi na nakalaban pa kay Yvonne.
Nagising nalamang ako na nakagapos ang aking mga kamay at paa, kinulong ako ni Yvonne sa isang bahay na walang nakakaalam kundi sya lang.

"Yvonne, anong ginagawa ko dito?! Bakit nandito ako Yvonne, pakawalan mo ako!"

"Hinding hindi kita papakawalan Freddie, dahil akin ka lang!"

"Hayop ka!"

"Hayop na kung hayop, Freddie! Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganto kaya hindi ako papayag na mapunta ka lang sa pesteng Andrei na yon!!"

"Yvonne, pakawalan mo ako!!"

"Sige, papakawalan kita.. sa isang kundisyon... Mahalin mo ako Freddie!"

Hinawakan ni Yvonne ang mga pisngi ko at nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko, hindi ko na kayang mahalin pa si Yvonne dahil sa lahat ng mga ginawa nyang panloloko at kasinungalingan na sinabi nya sakin.
Kinasusuklaman kong naging parte ng buhay ko si Yvonne kaya hindi kuna hahayaan pang maging parte pa muli ng buhay ko si Yvonne, hindi ko hahayaan na makapasok ang katulad nyang home wrecker at masamang taong katulad nya sa buhay ko.

"Mahalin mo ako Freddie at papakawalan kita, we will start a new life and we will have kids! Hindi pa huli ang lahat Freddie dahil pwede pa tayong magkaanak muli!"

"Sa tingin mo ba sasama pa ako sayo Yvonne? Sinira mo ang buhay ko kaya hindi ko na hahayaan pang makapasok ka sa buhay ko!"

"Alam mo Freddie, ginagawa mong komplikado ang lahat eh, kung mahalin mo nalang ako edi tapos na ang lahat lahat ng usapang to?!"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon