CHAPTER 21

414 23 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 21]

• YVONNE LUSTRE POV:

"Hindi ko sinasadya! Hindi ko gustong mang yari yun kay Andrei!"

Bulong ko sa sarili ko habang tulala ako na nakaupo sa kotse ko, hindi ko maiwasang manginig at matakot sa nangyari kay Andrei dahil ako ang may kasalanan kung bakit sya namatay.
Hindi ko gustong mangyari yon sa kanya dahil ang gusto ko lang naman mangyari ay maidala lang sya sa mental hospital, hindi ko sinasadyang gawin yun kay Andrei dahil gusto ko lang naman syang takutin para sumama sakin.

"Anong gagawin ko?! H-Hindi pwede malaman ng mga tao ang tungkol dito dahil mananagot ako sa batas! Hindi dapat nila malaman na ako ang pumatay kay Andrei!!"

Halos kausapin ko na ang sarili ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na to, hindi ko naman ginusto to at mas lalong hindi ko kasalanan na mahulog sya sa bangin at tangayin ng agos ng alon sa dagat doon sa ibaba ng bangin.

"Ikaw may gawa nyan sa sarili mo, Andrei! Hindi dapat ako ang managot sa nangyari sayo dahil wala akong ginawang masama!"

Yan ang mga salitang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na to dahil sa nangyari kay Andrei, kasalanan lahat to ni Andrei.
Sya ang may kasalanan kung bakit sya namatay kaya wala akong dapat pananagutan sa nangyari, si Andrei ang may kasalanan at si Andrei lang dapat ang sisihin.

"Kailangan wala silang makitang ebidensya na ako ang pumatay kay Andrei!"

Lahat ng mga ebidensyang mag papatunay na ako ang pumatay kay Andrei ay nilinis ko, wala silang makikita na ebidensyang ako ang pumatay sa taong yun.

"Oh nandyan kana pala, Yvonne... Kumain kana ba?"

"F-Freddie, pwede bang umakyat muna ako sa itaas?"

"Ha! Bakit naman?"

"Inaantok na kasi ako tsaka pagod ako ngayon"

"Teka lang hindi ka pa nga kumakain eh, kumain ka muna baka makasama sa baby natin yan!"

"Uhm.. kumain nako! Oo kumain nako, tapos nakong kumain... Pwede bang matulog nako, I'm really tired kasi eh"

"Sure ka ba? Teka, bakit pinag papawisan ka ata?"

Lumapit si Freddie para punasan ang mga pawis ko ngunit pinigilan ko sya dahil ayoko muna ng kausap sa mga oras na to.

"Bakit parang ayaw mo atang punasan ko pawis mo?"

"Freddie, sinabi ko naman sayong pagod ako diba?! Pwede ba hayaan mo nalang akong umakyat sa kwarto?!"

"Wag ka masyadong magalit, sorry!... Okay sige umakyat kana..."

"Thank you!!"

Sa mga oras na to ayoko muna ng kausap dahil gusto ko munang mapag isa para makapag isip isip, gusto kong gumawa ng plano para kung sakaling malaman nila na patay na si Andrei hindi ako mag mukhang guilty.

"Hindi dapat ako maging guilty sa nangyari! Wala akong kasalanan, si Andrei ang may kasalanan kung bakit sya namatay!"

Yan ang sinasaksak ko sa isip ko, na hindi ako ang pumatay kay Andrei.
Hindi ko namalayan na nasa likod ko pala sa mga oras na yon si Freddie, nalaman ko nalang na nasa likod ko sya ng bigla nya akong tanungin tungkol sa mga sinasabi ko.

"Ano yung hindi ka dapat maging guilty?... Tsaka sino nga ulit yung may kasalanan?"

"F-Freddie, nandyan ka pala!"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon