CHAPTER 40

400 26 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 40]

• QUIM VALENCIA POV:

"Sa tingin ko mahal ka naman ni Anthony"

Yan ang sabi sakin ni Ed nung mga oras na nasasaktan ako dahil sa pag reject sakin ni Anthony, ang sakit lang isipin na kahit kailan hindi ako magugustuhan ni Anthony dahil sa sarado na ang puso nya dulot ng mga nangyari sa kanyang trahedya.
Naiintindihan ko naman kung bakit ganon ang nararamdaman ni Anthony dahil alam ko naman na hindi madali ang mga pinag daanan nya sa kamay ni Freddie, kaya heto ako ginagawa ko ang lahat para lang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nya.

"Hindi ko alam Ed, pakiramdam ko naulit lang yung nangyari sakin dati kay Maxine.. Ito nanaman ako na nasasaktan ulit, para talagang wala nakong karapatan pang sumaya"

"Alam kong mahirap pero sana ipag laban mo, I know na may nararamdaman din sayo si Anthony kaya ipag laban mo yan!"

"Paano? Paano kung ayaw nya talaga sakin Ed?"

"Quim, kung hindi mo naipag laban si Maxine noon ipag laban mo si Anthony ngayon! Wag mo na hayaang mawala si Anthony kagaya nung mangyari kay Maxine!"

"Tama ka Ed, hindi ko dapat isuko si Anthony ng ganon ganon nalang!"

"Oh sige pre, alis muna ako ah? May ibinigay pa kasi ako kay Anthony!"

Hindi ko namamalayan na nakikinig pala si Freddie sa usapan naming dalawa ni Ed nung mga oras na yon, nang makaalis si Ed bigla namang pumasok si Freddie na galit na galit.

"Gusto mo si Anthony?! Kaya pala ako hindi magawang sagutin na Anthony dahil sayo?!"

"Anong ginagawa mo dito ha?! Paano ka nakapasok dito sa office?!!"

"It doesn't matter kung paano ako nakapasok, SABIHIN MO SAKIN!! KAYO NA BA NI ANTHONY?!!"

Hinawakan ni Freddie ang mag kabilaang kwelyo ng polo ko habang nakatingin sa aking mga mata, kitang kita ko kay Freddie na galit na galit sya sakin.

"Bitiwan mo nga ako! Hindi ako nag sasayang ng oras sa mga mababang klasi ng taong kagaya mo!!"

Tinanggal ko ang kamay ni Freddie mula sa pag kakahawak ng kwelyo ko, agad naman akong lumabas sa office room ko para iwasan sya.

"Bumalik ka dito Quim!!"

"Ano ba Fred?! Tanggapin mo nalang kasi na hindi mapapasayo si Anthony dahil wala kang kwentang lalaki!"

Nag lakad ako sa hallway ng office hanggang sa makarating ako sa stairway, pilit parin akong sinusundan ni Freddie.
Galit na galit si Freddie nang mga oras na to kaya pilit ko syang iniiwasan dahil ayokong magkaroon ng gulo sa loob mismo ng kumpanya ko.

"Wag mokong tinatalikuran Quim, tandaan mo na malaki ang kasalanan mo samin ni Paolo!! Traidor ka sa XForce at hinding hindi ko nakakalimutan yon! Tapos ngayon inaagaw mo sakin si Anthony?!"

"Wala akong inaagaw sayo Fred, dahil kahit kailan hindi naman naging sayo si Anthony! Isa pa, wag mokong sumbatan dyan sa XForce na yan dahil hindi mo alam ang totoong nangyari! Kung alam mo lang at kumay may matal lang kayo nila Shaun at Axel malalaman nyong si Paolo ang may kasalanan ng lahat!"

"Wag na wag mong masisi sisi si Paolo dahil lahat ginawa nya maitaguyod lang ang group namin!"

"Oo nga lahat! Pati nga si Maxine ginawa nya din ang lahat para maagaw sakin diba? Alam mo ang pangit lang kasi kay Paolo, ang dumi ng mga naiisip nya para maiangat ang grupo na sinasabi nyo! Diba nga ginamit nyo pa si Andrei para lang umangat kayo?! Sino satin ang malaki ang kasalanan ngayon ha?"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon