CHAPTER 5

537 35 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 5]

• ANDREI DELOS SANTOS POV:

Nakatanggap ako ng tawag kay Mama, masaya ako dahil medyo matagal ko na din silang hindi nadadalaw dahil busy ako sa bahay ni Freddie.
Napag desisyonan ko na pumunta sa bahay namin para dalawin naman sila Mama at Papa pati narin si kuya Jason dahil limang buwan din akong hindi nakadalaw sa kanila.

"Sana mama tumagal tong mga pinamili ko sa inyo ng isang buwan"

"Nak sobrang dami na nga nito eh tsaka isa pa nak hindi mo nakailangan na mag dala pa ng mga bagay na to dahil makita ka lang namin dito masaya nako"

"Hehe salamat mama, alam mo ma namiss ko yung gantong bonding natin nila kuya"

"Talaga Andrei namiss mo kami?"

"Oh kuya! Nandyan ka pala?"

"Oo no, ano akala mo hindi ako umuwi kagabi? Hahaha"

"Haha oo no kasi nung nandito pako sa bahay lagi kanang madaling araw nauwi!"

"Dati yun Andrei, hindi na ngayon nag bago nako hahaha"

"Sana lang talaga nag bago kana hahaha"

Sobrang saya ko ng mga sandaling kasama ko sila mama, papa at kuya Jason.
Halos hindi mo masukat ang mga ngiti saking labi dahil sa sobrang saya, namiss ko tuloy yung mga araw na dito pako nakatira.
Gustuhin ko mang umuwi na dito sa bahay namin hindi ko magawa dahil ayokong iwanan nalang ng basta basta si Freddie, lalo na ngayon parang may pinag dadaanan sya.

"Kuya nabalitaan mo na ba na nakabalik na si Yvonne ng pinas?"

"Ano? Nakabalik na sya?! Kailan pa?!"

"Nung isang araw lang kuya, hindi mo ba nakita yung sa TV? Nasa balita sya nung nakaraan eh"

"Talaga?! Hindi ko napanuod yun eh"

"Oo kuya nasa balita sya nung nakaraan, nakita ko sa TV na ang laki ng pinag bago ni Yvonne!"

"Kailangan ko syang makita ngayon"

"Hay nako Jason, Anak! Wag mo na ngang pagkaabalahan pa yang si Yvonne eh nung simula ng umalis yan dito ni hindi na nga tayo maalala!"

"Pero ma alam kong busy lang si Yvonne kaya hindi sya nakakaalala satin noon!"

"Ang sabihin mo, kinalimutan na tayo ng babaeng yan Jason!"

Alam kong matagal ng may lihim na pag tingin si kuya Jason kay Yvonne, nililihim nya lang noon ito kay Yvonne dahil natatakot sya na tanggihan lamang sya ni Yvonne.
Alam kong mahal na mahal ni kuya Jason si Yvonne dahil kitang kita ko ito sa kanyang mga mata, sa likod ng napaka tigas na katawan ni kuya ay isang babae lang pala ang makakapag patiklop sa kanya.

"Andrei, alam kong malapit kayo ni Yvonne sa isa't isa, siguro naman may alam ka kung nasaan ngayon si Yvonne"

"Kuya wala akong idea kung nasaan si Yvonne ngayon eh, pasensya kana kasi sa TV ko lang naman sya nakita"

"Ganun ba, kapag may alam ka sana kung nasaan si Yvonne sana sabihin mo sakin"

"Wag ka mag alala kuya, kapag nakita ko si Yvonne ikaw agad yung unang una kong pag sasabihan"

Gustuhin ko mang sabihin kay kuya kung nasaan si Yvonne pero kahit mismo ako na matalik nyang kaibigan hindi ko alam kung nasaan sya, hindi ako nakamusta ni Yvonne simula nung dumating sya dito sa pinas.
Mataas na ang narating ni Yvonne ngayon kaya iniisip ko nalang na kaya nya kami hindi nakakamusta ay dahil napaka busy na nyang tao.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon