CHAPTER 24

420 29 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 24]

• QUIM VALENCIA POV:

"Ito yung preno, ito naman yung busina.. basta wag mong kakalimutan yan ah?"

Tinuturuan ko sa mga oras na to si Andrei/Anthony mag drive ng kotse, isa to sa mga kailangan nyang matutunan dahil magagamit nya to sa pag haharap nila ni Freddie at Yvonne.

"Are you sure na ayaw mo ng samahan kita?"

"Oo Quim, wag mo nakong samahan para naman matuto akong mag drive mag isa"

"Sige Anthony, just text me if kailangan mo ng help ah?"

"Sige, salamat Quim!"

Hinayaan ko nalang din na mag isang mag drive si Andrei/Anthony ng kotse para matuto syang tumayo sa sarili nyang mga paa, hindi ko ine-expect na magiging mabilis lang para kay Andrei/Anthony na matutong mag maneho ng kotse.

"You're here, how's your trip?"

"Okay naman Quim, hindi naman ako nahirapan sa pag mamaneho ng kotse"

"Then that's good, buti nalang talaga Anthony hindi ka mahirap turuan"

"Sinusubukan ko namang matutunan lahat ng mabilis para hindi rin kayo mahirapan ni Ed, Quim"

"That's good, mabuti naman ginagawa mo yan... Basta just focus on your goal ah? Gusto kong mag focus ka sa mga tinuturo namin sayo para sa pag haharap nyo nila Yvonne at Freddie hindi ka matalo"

"Lahat gagawin ko Quim maiparanas ko lang sa kanila ang kahayupang ginawa nila sakin! Hindi ako titigil hangga't hindi ko nasasakamay ang hustisya"

"Tama yan, Anthony! Wag kang matakot harapin ang mga taong dumurog sa pag katao mo!"

"Hirap at pasakit ang naranasan ko, pati kamatayan nilagpasan ko Quim, ngayon pa ba ako matatakot gayong alam ko sa sarili ko na hindi nako ang Andrei na inapakapakan nila?!"

Alam kong unti unti ko nang napapalitan ang pag katao ni Andrei na ngayon ay si Anthony na, pero hindi parin ako tumigil sa pag tuturo ko sa kanya at mas pinursigi ko pang ituro lahat lahat sa kanya ng nalalaman ko.

"Kailangan mo matutong lumakad at kumilos ng maayos Anthony, yung tipong kapag nakita kang bumaba ng kotse or nag lalakad dapat mukha kang elegante... I want you to be more attractive by your own moves"

"Handa naman akong matutunan yan Quim, wag ka mag alala sakin dahil determinado akong matuto sa lahat"

I teach him how to walk and talk properly kapag may kausap syang matatas na tao and tinuruan ko din sya how to handle a conversation, madami dami na din ang mga naituro ko kay Anthony and now is the time para makilala sya ng maraming tao.

"Sigurado ka bang kaya na ni Anthony harapin si Freddie at Yvonne, Quim?"

"I know na kaya nya ng harapin ang mga taong umapi sa kanya"

"Napapansin ko atang masyado kana ding napapalapit kay Anthony ah?"

"What do you mean?"

"Napansin ko lang na madalas kayo mag kasama ni Anthony lately"

"Tinututukan ko kasi ng oras at panahon si Anthony para mas mabilis nyang matutunan ang mga dapat nyang matutunan"

"Kaya naman pala... Ang inaalala ko lang naman ay baka mahulog ka kay Anthony"

"Why did you think na mahuhulog ako kay Anthony? Alam mo namang may mahal nako diba?"

"Naisip ko lang naman dahil palagi kayong mag kasama ni Anthony... Speaking of Anthony, nasaan nga pala sya?"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon