CHAPTER 6

491 24 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 6]

• ANDREI DELOS SANTOS POV:

"Lumayak ka!"

Yan ang sigaw ni Tita Sylvia mula nung lumabas ako para pumunta sa event.
Sa pag pupumilit kong pumunta sa event na napag usapan namin ni Freddie, hindi nako pinapasok ni Tita Sylvia ng mansion.
Nag mukha akong tanga na nag hihintay sa labas na nag mamakaawa na papasukin nya ako ngunit hindi nya pinakinggan ang mga sinasabi ko.

"Tita sige naman na po oh papasukin nyo na po ako, ang lamig po dito sa labas"

"Parusa mo yan! Kung marunong ka lang kasing makinig at sumunod sa mga gusto ko edi sana hindi ka napaparusahan ng ganyan!"

"Tita pasensya na po talaga, gusto ko lang naman pong tumupad sa usapan namin ni Freddie eh"

"Si Freddie sinusunod mo tapos ako hindi? Eh napaka walang kwenta mo pala eh! Pag katapos kitang patirahin at palamunin ng limang taon ganyang asal ipapakita mo sakin?! You're nothing but a piece of trash!"

"Tita hindi naman po sa ganon, tita maawa po kayo sakin"

"Hindi ako naaawa sa hampas lupang katulad mo! Kung hindi lang dahil sa anak ko, nasa basurahan ka parin ngayon!!"

"Tita parang awa nyo naman po oh, please po tita"

"No! Buong gabi ka ngayon dyan sa labas ng gate! Manigas ka sa lamig dyan!!"

Ako naman talaga ang may kasalanan, kung nakinig lang talaga ako kay Tita Sylvia sana nasa loob parin ako ng bahay ngayon.
Nangangatog nako sa sobrang lamig na halos hindi nako makagalaw, pinipilit kong labanan ang lamig na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag yakap ko sa sarili.
Napapatanong nalang talaga ako sa sarili ko kung bakit ginagawa to sakin ni Tita Sylvia kahit wala naman akong ginawang masama sa kanya.

"Kuya Ernesto, baka naman po pwedeng papasukin nyo na po ako parang awa mo na po oh alas 3am na po ng madaling araw baka naman po"

"Pasensya kana ser Andrei, ako naman mapapagalitan nito ni ma'am Sylvia pag pinapasok kita"

"Kuya Ernesto naman oh diba nakikita mo naman ako dyan? Dyan ako nakatira mang Ernesto"

"Hindi kita pwedeng papasukin ser Andrei kabilin bilinan yan ni ma'am Sylvia sakin"

"Pero diba dyan naman ako nakatira? Dali na kuya Ernesto parang awa nyo na po"

"Pasensya kana talaga ser Andrei, baka ako naman ang mawalan ng trabaho kapag pinapasok kita"

Hindi talaga nila ako pinapasok sa mansion hangga't hindi nasapit ang umaga, inabot nalang ako ng malakas na ulan sa labas ng bahay hindi parin nila ako pinapasok.
Mas lalong nanginig ako sa lamig dulot ng ulan, halos hindi nako makapag salita sa sobrang lamig ng aking nararamdaman.
Hangga't sa sumikat na ang araw, pero hanggang ngayon nag hihintay parin ako na papasukin ni Tita Sylvia pero inabot nako ng alas 8am ng umaga hindi parin nya ako pinapapasok.
Nagulat nalang ako ng biglang dumating yung kotse ni Freddie at huminto sa harapan ko, bumaba sya sa kontse at lumapit sakin.

"Oh bakit basang basa ka ha, Andrei? Anong ginagawa mo dito sa labas ng bahay? Mukhang basang sisiw ka oh tignan mo nga yang sarili mo! May mga reporters bang nakakita sayo dito ha?"

"Wala, Freddie..."

Nag madali syang ipasok ako sa loob ng bahay at dalhin sa loob ng kwarto, nagalit ng husto sakin si Freddie dahil sa ginawa sakin ng mama nya.
Hindi ko naman kagustuhang mananatili sa labas ng bahay buong gabi pero ang tingin ni Freddie gusto ko syang siraan sa Social Media.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon