CHAPTER 32

390 24 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 32]

• FREDDIE LIU POV:

"Talaga? Sino namang nakakuha nitong car keys ko?"

Nag tatakang tanong ko sa security gaurd ng restaurant na pinag kainan namin kahapon, buong akala ko talaga hindi ko na makikita pa tong car keys ko na to mabuti nalang talaga at may nag magandang loob na i-turn over ito sa lost and found ng resto.

"My idea po ba kayo kung sino nag balik ng car keys ko sir?"

GAURD: Wala po akong idea ser, inabot lang daw yan sa waiter kanina.

"Ganun ba, salamat ah?"

Hindi nako nag tagal pang kausapin ang gaurd matapos kong mag pasalamat sa pagkakabalik ng car keys ko at agad na akong bumalik sa kotse kong iniwan ko sa parking nila kagabi.

"Sino naman kayang nakapulot nito?"

Tanong ko sa sarili ko habang nag lalakad ako palapit sa kotse ko, nang pag bukas ko sa pinto ng koste laking gulat ko ng may nakita akong tao na nasa loob nito.

"Anthony?!"

Gulat na gulat akong makita si Anthony na nasa loob na ng kotse ko, ang mas lalong pinag tataka ko kung bakit nasa loob na ng kotse ko si Anthony kahit na nasa akin pa ang car keys.

"你好我的爱人! Nǐ hǎo wǒ de àirén!"

Yan ang bungad na bati sakin ni Anthony ng makita ko sya sa loob ng kotse ko, hindi ako nakasagot agad mula nung sinabi nya sakin yan dahil sa sobrang gulat.

"I said, Hello my love!"

"Anthony, anong ginagawa mo dito sa kotse ko... Tsaka paano ka nakapasok?!"

"Ganyan ka ba mag thank you sa taong nakapulot ng car keys mo?"

"Ha? You mean ikaw ang nakapulot ng car keys ko?"

"Hindi ka ba naniniwala ha Frederick?"

"H-Hindi naman, hindi ko lang talaga ine-expect na sa dami rami ng tao ikaw pa ang nakakuha"

"Mukha atang ayaw mo na ako ang nakapulot ng car keys mo?"

Pumasok ako sa loob ng kotse ko katabi si Anthony sa front seat, bigla akong nagulat dahil ni-lock ni Anthony ang pinto ng kotse sa mga oras na to.

"Hindi naman, pilit na nga kasi kitang iniiwasan pero palagi ka paring sumusulpot sa buhay ko"

"Ayaw mo ata Freddie, bakit parang nararamdaman ko na ayaw mo sakin"

"Hindi naman sa ganon Anthony, pero kasi mag kakaanak na kami ni Yvonne kaya iniiwasan na kita dahil ayoko ng gumulo ulit yung buhay ko"

Nang sabihin ko kay Anthony yan ay agad nya namang nilapit ang mukha nya sa akin  at idinikit ang ilong ko sa ilong nya.

"Yun ay kung maisawan mo"

Pabulong nyang sinabi sakin ang mga salitang yan, hindi naman ako agad nakapag salita bagkus ay mistulang nawala ako sa isip nung mga oras na yon.
Hindi ko nagawang gumalaw mula sa pag kakadikit ng ilong naming dalawa, nakatitig nalang talaga ako sa mga maamo nyang mata.

"A-Anthony, kailangan ko ng umalis!"

"Aalis kana agad without doing me a favor? I mean, ako ang nag balik ng car keys mo kaya I think I deserve to ask you a favor"

"G-Ganon ba? K-Kailangan pa ba to Anthony?"

"Of course, sa panahon ngayon Freddie wala ng libre lalo na ikaw"

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon