CHAPTER 26

440 34 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 26]

• YVONNE LUSTRE POV:

"Busy nga lang ako nung tumawag ka!"

Yan ang dahilan ni Freddie nung tinatanong ko sya kung bakit hindi nya sinasagot ang mga tawag ko nung nasa event sya, kilalang kilala ko to si Freddie dahil nagiging busy lang naman kasi to kapag may magandang babaeng syang kausap.

"Wag mokong lokohin Freddie! Hindi mo magagawa sakin yung nagagawa mo kay Andrei noon!"

"Wala ngang magandang babae don! Tsaka isa pa, busy kami ni Paolo at hindi ko marinig yung mga calls mo dahil nga masyadong malakas ang music!"

"Ganon ba ha?! Alam ko namang hindi mo talaga sinasagot yung mga tawag ko! Sabihin mo nga sakin, may babae ka ba don ha?!"

"Ano ba Yvonne, tama na yang kakahinala mo! Wala namang patutunguhan tong mga sinasabi mo eh!"

"Wag na wag ko lang talaga malalaman na may babae ka Freddie! Papaalala ko lang sayo, hindi ako tanga kagaya ni Andrei!!"

"Hinding hindi ko gagawin sayo yon Yvonne, kaya please huminahon ka baka kung anong mangyari sa baby natin!"

Hindi ako makakapayag na gawin sakin ni Freddie ang ginawa nya kay Andrei noon dahil hindi ako tanga tulad ng ex live in partner nya, sisiguraduhin kong walang ibang babae ang makakalapit kay Freddie kundi ako lang.

"Ano mars, takot ka sa sarili mong multo no?"

Sabi ni Danny habang nag titipla sya ng coffee naming dalawa, dinalaw ako ni Danny sa bahay nila Freddie dahil hindi nako nakakapasok sa Salon ng ilang araw.

"Anong pinag sasabi mo ha, Danny?! Hindi ko kasalanan kung tatanga tanga yang Andrei na yan at iniwan sya ni Freddie!"

"Oo na, mamaya magalit ka nanaman sakin dahil kinokontra kita.."

"Alam mo Danny hindi ako papayag na mag hanap ng iba si Freddie dahil iiwanan ko talaga sya pag nangyari yon!"

"Papabayaan ka non pag nalaman nyang hindi ka buntis!"

Nagulat kaming dalawa ni Danny ng biglang sumulpot si tita Sylvia at narinig nya mismo ang sinabi ni Danny nung mga oras na yon.

"Ano Yvonne, hindi ka buntis?"

Nanlaki ang mga mata namin ni Danny ng marinig ni tita Sylvia ang pinag uusapan naming dalawa, halos magkatinginan nalang kaming dalawa at hindi makapag salita.

"A-Um.. na miss understood nyo lang tita... Ano kasi.. Um.. yung isang costumer namin sa Salon hindi pala buntis, ngayon sinasabi lang sakin ni Danny yung sinabi nung babaeng costumer namin doon sa kasama nya!"

"Okay fine, you should told me earlier Yvonne para naman hindi ako nag iisip ng kung ano ano... geez!"

Maya maya lang ay umalis na din si tita Sylvia, mukha namang naniwala sya sa palusot ko kanina.
Parang nabunutan kaming dalawa ni Danny ng tinik sa lalamunan nung makalusot kami sa tanong ni tita Sylvia.

"Ang ingay ingay mo talaga!! Muntikan na tayong mabisto!"

"Sorry na mars... Nakalusot naman tayong dalawa diba?"

"Mabuti nalang talaga at naniwala sakin si tita Sylvia kung hindi puputulin ko yang makati mong dila!"

"Sorry na nga mars eh!"

Halos matanggal yung puso ko at sumabog sa sobrang kaba ko kanina, hindi pwedeng malaman ng kahit sino na hindi ako buntis dahil siguradong sa basurahan ako pupulutin kapag nangyari yon.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon