CHAPTER 7

452 27 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 7]

• ANDREI DELOS SANTOS POV:

Pinag handaan ko talaga ang anniversary date namin ngayon ni Freddie, ginandahan ko ang decorations sa pool area at set up ng table namin na may candle at flowers pa sa gitna.
May mga petals din ng mga roses na nakakalat sa sahig pati na rin sa pool habang tumutugtog ang romantic music.
Sobrang excited nako na makita ni Freddie ang set up ng table at decorations sa pool, nananabik nako sa magiging reaction nya kapag nakita nya to.

"What is this, Andrei? Another kabaliwan nanaman ba to?"

"Uh Tita anniversary po kasi namin ngayon ni Freddie, nag handa po ako ng mga pag kain at konting decorations dito sa pool"

"Napaka walang kwenta naman nito!"

"Bakit po Tita, eh maganda naman po yung set up ko diba?"

"No! Walang buhay tsaka nakakantok yung music... Ang pangit, I'm sure mawawalan si Freddie ng gana kapag nakita nya yang set up mong bulok... Teka, dadating pa ba si Freddie?"

"Opo tita, sinabihan ko po sya na umuwi ng maaga dahil may surprise po ako sa kanya"

"Baka ikaw ang ma surprised dahil hindi sya dumating! Look oh, it's 9:30pm na pero wala pa sya"

"Alam ko pong hindi ako bibiguin ni Freddie"

"Well, ikaw bahala! Good luck nalang sayo"

Lumipas ang isang oras ngunit hanggang ngayon hindi parin nauwi si Freddie, naupo nalang ako habang hinihintay sya.
Nag hintay ako ng nag hintay hanggang sa mawalan ako ng pag asang uuwi pa sya dahil lumalalim na ang gabi, sa sobrang lungkot ko unti unti kong ininom yung wine na nasa table.
Sumapit na ang 12:30am ng madaling araw at naubos ko nalang lahat ng tatlong wine na nasa table namin hindi parin nauwi si Freddie hanggang sa mag lumpasay nako sa kalasingan.

"Freddie!!! Freddie!!!"

"Ano ba yang ingay na ya- - Oh my God!! Lasing ba yang Andrei na yan, yaya Lucing?!"

"Opo ma'am, kanina ko pa nga po inaawat si Andrei eh pero iyak po sya ng iyak at sinisigaw yung pangalan ni ser Freddie"

"Dalhin mo na nga yang bakla na yan doon sa kwarto nya! Bwiset talaga yan dito po talaga nag wawala!"

"Tita.... Tita nasaan po si Freddie!!...."

"Alam mo kaya hindi ka sinupot ng anak ko dahil dyan sa itsura mo, look at you mukha kang basura!!... Yaya, dalhin mo na nga to sa kwarto nya!!"

"Sige po ma'am"

Pilit akong hinihila ni yaya Lucing papuntang kwarto pero nag pupumiglas ako at nanatili sa sofa kaharap ang pinto, ayokong matulog hangga't wala pa si Freddie sa harap ko.
3:45am ng madaling araw nung dumating si Freddie sa bahay, nakita nya akong nakahiga sa sofa habang natutulog.

"Andrei! Gising, Andrei Gising!"

"Freddie?.... Ikaw ba yan?"

"Oo ako to bakit dito ka natutulog sa sofa?"

"Freddie saan ka ba nanggagling? Bakit hindi mo naman ako sinipot kagabi?"

"Teka lasing ka ba?"

"Freddie mahal na mahal kita! Bakit ginagawa mo sakin to?!"

"Halika na nga, dadahilan na kita sa kwarto, lasing na lasing kana eh"

Binuhat ako ni Freddie at dinala sa loob ng kwarto ng mga sandaling yon, hindi ko namalayan na nasa kama na pala ako at katabi sya.
Hindi ko maiintindihan kung bakit ganto nalang ang ginagawa sakin ni Freddie, parang pinaparamdam nya sakin na wala ng pag mamahal na nanggagaling sa kanya.
Humarap ako sa kanya at niyakap ko sya habang nakatalikod, tulog na tulog sya habang yakap yakap ko sya na parang anghel.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon