CHAPTER 41

366 24 2
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 41]

• QUIM VALENCIA POV:

Isang malaking pag kakataon ang pinag kaloob sakin ni Andrei ngayon dahil pumayag na sya para maging karelasyon ko, hindi lang karelasyon ang gusto kong mangyari saming dalawa ni Andrei dahil gusto ko ding maging asawa sya.
Oo asawa dahil si Andrei lang ang gusto kong makasama for the rest of my life, I really love him so much and I do everything wag lang syang mawala sa buhay ko.
Nawala na si Maxine kaya hinding hindi ko na hahayaang mawala pa si Andrei.

"Masaya ako para sa inyong dalawa Quim, you deserve Andrei!"

Sabi ni Ed habang inaayos ang mga papeles sa office, alam kong hindi makapaniwala si Ed sa mga nangyayaring to.
Miski ako din naman hindi makapaniwalang minahal din ako ni Andrei sa kabila ng mga nangyari sa kanyang masama.

"Hindi ko na sasayangin pa to Ed! Ayokong mawala sa buhay ko si Andrei kaya gagawin ko lahat wag lang sya mawala"

"Alam ko namang mahal na mahal ka din non ni Andrei, Quim... Kaya walang dahilan yon para hiwalayan ka"

"Alam ko naman yun Ed at ramdam na ramdam ko naman yun"

"Bakit kasi hindi mo pa alukin ng kasal, Quim?"

Napaisip ako sa sinabi ni Ed sakin about sa kasal na sinasabi nya, mahal naman ako ni Andrei at mahal ko din naman sya kaya walang masama kung pakasalan ko sya.

"Sa tingin mo ba papayag si Andrei kapag nag propose ako sa kanyang mag pakasal?"

"Hindi naman tatanggi pa yon si Andrei dahil alam ko namang mahal ka non"

"Kinakabahan parin ako sa magiging desisyon na eh, minsan na kasi syang inalok ng kasal pero tinakbuhan naman sya noon"

"Bakit gagawin mo ba sa kanya yung ginawa sa kanya ni Freddie?"

"Hindi, pero hindi ko parin maiwasang kabahan sa magiging desisyon nya sakin"

"Bakit ba kasi kinakabahan ka when you have no doubt na mahal ka ni Andrei, I'm sure hindi na yon mag dadalawang isip pa"

"Sana lang talaga pumayag si Andrei, mahal na mahal ko sya Ed at ayokong mawala sya sa buhay ko"

"I know, that's why I'm telling you this Quim! You have to follow your feelings, bigyan mo na ang sarili mo ng katahimikan at kasiyahan"

"Tama ka Ed, siguro nga hindi dapat ako mag patalo sa takot at pag aalinlangan"

Buo na ang desisyon kong pakasalan si Andrei at hindi nako mag sasayang ng panahon para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, si Andrei ang nag patunay sakin na love has no gender at sya ang nag paramdam sakin kung paano mahalin at mag mahal ng totoo.
I know this is the right thing to do para sa aming dalawa ni Andrei at para magpakita namin sa maraming tao kung gaano namin kamahal ang isa't isa, I've already lose Maxine and now I don't wanna lose Andrei because I want to be with in the rest of my life.

(Romantic music)

"Anong meron? Bakit may gantong sounds?"

Tanong ni Andrei sa sarili nya habang nag lalakad sya papasok sa loob ng bahay, kita mo sa mga mata ni Andrei ang pag tataka kung anong nangyayari sa loob ng bahay.

"Quim? Ed? Nandito ba kayong dalawa?"

Sigaw ni Andrei habang tumitingin sa paligid para tignan kung nandito ba kami ni Ed, ang hindi alam ni Andrei ay nag tatago lang kami ni Ed para i-surprise sya.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon