Wala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng dugo . Ang hindi niya alam, ang dugong naisalin sa kanya ay ang "golden blood," dugo na gustong-gustong matikman ng mga mortal na bampira. Dahil ang mga pinakaguwapo sa unibersidad nila ay bampira, bigla ay sabay-sabay siyang niligawan ng mga ito! Ang haba haba ng hair niya, tatanggihan ng mga bading sa parlor! At si Jep, nagpo-protesta. Sinabotahe ang diskarte ng ibang bampira. Ayaw daw kasi nitong may kaagaw ito sa kanya. Oh, eh di ang saya!