Isang one night stand ang nakapagbago sa buhay ni Ella Jane Vertudazo at hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa isang deal na inalok ni Rafael Sanrojo sa kaniya. Isang deal na nag-udyok sa kaniyang ligawan ang binata kahit alam naman niyang hindi siya mananalo. Pero paano kung nahulog siya sa binata at hindi siya nito saluhin? Paano kung hahanap-hanapin niya ang lalaki? Paano kung hindi pala nito kayang suklian ang pagmamahal niya? Paano kapag nalaman niya ang lahat tungkol sa binata? Ngayon ang tanong, "Anong gagawin niya upang mapaibig ang isang Rafael Sanrojo?"