(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi siya binigyang pansin ni Clyde Seyon na kapatid ni Christina Seyon na bestfriend niya. Masyadong mailap sakanya si Clyde at hindi siya kinakausap kung hindi naman kailangan. Ang cold din ng pakikitungo ng binata sakanya at mas nakakapag pasakit pa sa puso niya nang makita niyang bumalik ang dati nitong mahal. Pero ano nga ba ang karapatan niya para magalit sa binata kung umpisa pa lang ay siya lang naman ang nagmamahal at nag hahabol. Naisipan niyang sumuko na pero kung kelan pa move on na siya ay dun naman nagbago ang pakikitugo sakanya ng binata. Hindi niya alam kung dapat niyang sundin ang puso o tama na at sarili naman niya ang mahalin niya. Hope you enjoy it. *Cover photo credit to the rightful owner* © CKyl Siosire