C44- Awake

22 4 0
                                    

WARNING: Typographical and Grammatical errors ahead.



Xender's POV





Hawak ko ngayon ang kamay ng natutulog na si Arissa. Malaki raw ang posibilidad na magising na sya ngayon at yun ang pinanghahawakan namin. May benda sya sa ulo na nagpapangit lalo sakanya. May dextrose rin na nakatusok sa braso nya kapag nakita nya ito baka matulog nalang ulit sya sa takot. Gusto ko mang malaman kung sino ang may gawa nito hindi ko kayang iwan ang kapatid ko. Hihintayin muna namin syang magising bago kumilos. "Anak magpahinga ka muna laging kulang ang tulog mo, ako na muna ang magbabantay sa kapatid mo" nagising ako sa pagtapik ni mama sa balikat ko. Kinusot ko ang mata ko pagkamulat ay nalaman kong nakatulog na ako kahit nakaupo. Sinunod ko naman si mama at nahiga na sa sofa para matulog ulit.





Naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong mga boses. Bumalik ata sila Yexa para hintayin ang pag-gising ni Ari. Sinuklay ko nalang ang buhok ko gamit ang kamay. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago tumayo at lumapit sakanila. Nagkwentuhan pa sila ng kung ano-ano habang ako ay nakatuon lang ang pansin sa tv. "A-ang i-ingay n-nyo n-naman" parang may dumaan na anghel sa kwarto namin nang marinig ang boses na iyon. "ARISSA!!" nagbago bigla ang timpla ng mukha ng kapatid ko. Naiirita na sya dahil ayaw nya talaga kapag maingay lalo na kapag bagong gising. "B-bakit b-ba a-ang i-ingay n-nyo? N-natutulog y-yung t-tao a-h" nanghihina pa rin sya kaya uutal-utal pa magsalita. Agad namang dumating ang doctor na tinawag nila. Chineck nya lang ang kalagayan ni Ari at kung ano-ano pang tinanong.






"Doc medyo sumasakit po ang ulo ko, nahihilo rin po at feeling ko umiikot ang earth este yung paningin ko. Naduduwal den po ako kaso sayang yung cookies at iba pang nakain ko" napatampal nalang ako sa noo dahil sa sinagot nya sa doctor. Kung ako lang masusunod pina discharge kona ito eh. Natawa ang doctor at sinabing makakauwi lang sya kapag hindi sya nagkulit. Pinsabi ko talaga yun kesa mahirapan kaming suwayin sya. "Yan talaga ang common signs ng Minor Head Injury, konti lang naman ang sugat mo sa scalp kaya hindi ka magtatagal dito" napangiti kaming lahat nang malaman na hindi malala ang lagay nya.




Arissa's POV



"Alam mo bang 2 araw ka ng tulog? Nagingay na kami ng nagingay dito para magising ka mukhang effective naman" sabi sakin ni Yexa habang nagbabalat ng apple. Inabot nya 'yon na agad kong nilantakan. "Talagang magigising ako grabe yung ingay nyo eh, sinadya nyo pang lumapit sa kama ko" nakangusong reklamo ko. Tumawa lang sila at binigyan ako ng makakain.
"Anong nangyari sa party pagkatapos kong mawalan ng malay?" hindi ko na kasi matandaan yun basta may naramdaman nalang akong sobrang bigat na tumama sa ulo ko. Narinig ko pa ang sigaw nila at nakita ko ang pag-agos ng dugo mula sa noo ko. "Hininto na syempre, nag-aalala lahat sila sa kalagayan mo tanong nga ng tanong sa'min kung kamusta kana raw ba" isinubo ko nalang ang isang ubas nang marinig iyon.






Napangiwi nalang ako sa naisip, totoo bang concern sila? Pwedeng oo pwedeng hindi. Kung makabully sa'kin dati walang awa pasalamat sila hindi ko ugaling magsayang ng oras. Pinilit ko nalang sumigla para naman hindi na sila mag-alala. Buong araw na silang nagbabantay dito simula maconfine ako. "Mabuti naman gising kana Arissa, nagsasawa na kasi ako sa fastfood na pagkain ako lagi ang umuubos" kumakain kami lahat ngayon at panay kwentuhan lang. "Kunwari ka pa alam kong tuwang-tuwa ka kapag nalilibre"
lalo akong napangisi dahil sa reaction nila. Gulat na gulat kalaunan ay tumawa nalang dahil masigla na raw ako, nakakapag pilosopo na eh. "Bakit nyo nilalapitan yan? Hindi pa naligo yan oy mag 3 days na!" inis kong nilingon ang nagsalita. Tinignan ko ng masa si kuya na ngayong kumakain ng chicken nuggets. Dumila sya bilang pang-aasar at inilayo ang hawak nya. "KUYAA!! PAHINGI NA KASI ANG DAMOT MO!! MABULUNAN KA SANA KAINIS!"
ubos na ang unan dito sa kama kakabato ko sakanya. Pero anong ginawa nya? Pinakita nya pa sakin kung paano sya ngumuya at inaalok pa si Morrix.






BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon