WARNING:Typographical and Grammatical errors ahead.
Yexamine's POV
Kumakain na kaming anim ngayun may maliit na sofa naman at table sa kwarto ni Ari. Tinatanong lang nila kung ano raw feeling na makulong sa cubicle ng ganun katagal,syempre dahil hindi magkasundo si Morrix at Arissa puro pang-aasar lang sinasagot nila. Mamaya ay may ibibigay ako kay Ari sa susunod pa sana na linggo ko ito ibibigay ang kaso lang nag-alala talaga ako ng sobra kaya naisipan kong ngayun na ibigay.
"Hindi kayo isa sa mga nambubully sayo ang may gawa nun" tanong ni Morrix.
"Hindi ko alam eh pero kung tama ka nga sumosobra na ata sila masyado, aba hindi ko na nga pinapansin mga sinasabi nila tas gusto pa nila pisikalan" maangas na sagot ni Ari,sumumpong na naman yung ganyan nyang side.
"Naiingit ata sila sayo kasi nga malapit ka samin haha" birong sabi ulit ni Morrix,hinayaan muna namin silang maguusap dahil nakikinig naman kami.
"Kung ganun ang dahilan nila, hindi ba napaka immature nun? Isipin mo dahil lang naging kaibigan ko kayo eh ikukulong na nila ako. Kung ako ang nasa posisyon nila bat ako mangingialam kasi in the first place hindi ko alam ang reason kung bakit naging kaibigan nya yung iniidolo ko"
"Well may point ka naman basta hahanapin natin kung sino ang mga yun at aalamin din natin ang motibo nila" sagot ni Morrix kaya napatango kami ni Arissa.
Iniligpit ko muna ang pinagkainan namin bago umupo sa tabi ni Ari. Nanonood sila ngayun ng movie sa laptop. Kinuha ko naman sa bulsa ko ang box ng kwintas na ibibigay ko kay Ari. Tinawag ko sya kaya lahat sila ang napalingon inabot ko sakanya yung box habang nakangiti habang sya naman ay halata ang gulat. Dahan-dahan nya itong kinuha sa kamay ko bago dahang dahang buksan. Napakaganda ng ngiti mya ng bumungad sakanya ang cresent moon necklace na may pink diamond sa gitna nito. Niyakap nya naman agad ako kaya niyakap ko rin sya pabalik.
"Thank you ang ganda naman nito kala ko naman singsing eh sasagot na sana ako ng 'No' haha" natawa naman kaming lahat sa sinabi nya kaya pala halos manlaki ang mata nya habang nakatitig sa box. Sinabi nya gusto nya na ako ang magsuot sakanya nun kaya ginawa ko naman. Pinakita ko sakanya ang ka couple ng necklace na yun at ang mas nakakatuwa pa ay kapag nagdikit sila ay may magnet. Itinuloy nalang namin ang panonood habang hinihintay na makalabas na si Ari dito. Hindi nagtagal ay pumasok si kuya Xender at sinabing pwede na syang umuwi. Ganun nalang ang tuwa ko lalo na wala na syang lagnat. Yung mga galos nya naman ay nawala na dahil kapag hindi naalis yun ako mismo kakalmot sa mukha nila.
Inayos muna nya ang mga gamit na nadala,umalis na kasi sila tito at tita may trabaho kasi at lilinisin ang bahay. Niyaya nga nila kami na pumunta dun ngayun ipapagluto raw kami ni tita bilang pasasalamat sa paghanap namin kay Ari. Syempre hindi na kami tumanggi lalo na at pagkain yun tsaka miss kona rin sa bahay nila madalas kasi noon ay nakikitulog ako lagi. Van pa naman ang sasakyang dala namin kasi plano talaga naming lahat na dumiretso ron pag uuwi na si Arissa. Sabay-sabay kaming sumukay sa elevator papuntang parking lot. Si kuya Xender na ang nagpresintang nag drive habang nasa shotgun seat naman si Morrix na tanong ng tanong kung ano ang specialty na ulam ni tita. Habang kami naman ni Ari ay magkatabi sa bandang likod ganyan kasi ang gusto nya yung nasa bintana para makabisado raw nya ang lugar na dinadaanan nila. Nasa harapan namin ang tatlo sila Kael,Xamiel, at Zeff.
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
Teen FictionA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...