WARNING:Typographical and Grammatical errors ahead.
Xender's POV
Kagabi ko pa iniinis si Arissa, paano ba naman kasi natututo na syang mag fashion fashion haha. Buti nalang at hindi nasayang outfit at efforts nila kasi nanalo naman silang 1st Place. May sinend na video sa akin kagabi si Yexamine, kumakanta sa stage si Ari at si Kael. Kakausapin ko nga pala yun kapag hindi na ako busy may paakbay-akbay pang nalalaman tsh. Sila mama naman kinikilig pa ata imbes na pagsabihin nako favoritism na sila.
"Hoy nandito nako sa coffee shop na sinasabi nyo, kahit kelan talaga ang kukupad nyo. Ghe na bahala kayo mauuna na akong mag-order!" Naiinis na sabi ko sa mga tropa ko. Nag-aaya sila magbasketball may malapit na court dito kaya naisipan nilang dito magkita- kita kaso likas na makukupad ang mga yun. Pumunta muna ako sa counter para mag-order.
"Miss isang iced coffee at isang slice ng red velvet cake" naghintay nalang ako sa inuupuan ko kanina dahil sila ang nagseserve. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng cafe. Napapalibutan ito ng glass wall, mga upuan na makakapag relax ka talaga. Dadalhin ko si Ari dito tutal mahilig yun sa mga matatamis at style library ang mga shelves.Narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko at nakita ko ang mga loko na pakaway-kaway pa. "Pare naman ang aga mo mamaya pa ang usapan ah" nabatukan kona ito at sabay-sabay kaming natawa. Sinimulan ko ng kainin ang cake na inorder ko samantalang sila dahil napaka- aga ayun nasa counter. Kumakain na rin sila ng inorder nila, parang tinamad ata ako bigla. "Ang ganda pala ng coffee shop na ito, hindi kasi natin napapansin eh" sabi ni Jaice habang nilalantakan ang donut sa harap nya.
"Wag kang mangdamay dati ko pa alam ang coffee shop na ito palibhasa wala kang pakielam" kunot-noong banggit ni Tres na may halong hinanakit pa ata haha. "Pre kung broken ka magsabi ka ah hindi yung magsasalita ka nalang bigla ng ganyan kakilabot" tinapik namin isa-isa ang balikat ni Tres bago tumawa.Sa tinagal-tagal naming nakaupo dito sa loob ng coffee shop ni minsan wala silang naisip na matinong pag-usapan. Konti lang siguro ang nakakaalam sa shop na ito sayang naman maganda pa naman ang lokasyon ng lugar higit sa lahat masasarap ang itinitinda lalo na ang ambience dito. Karamihan sa mga nandito ay babae pero may naka agaw ng atensyon ko. Babaeng naka oversized maroon shirt at naka maong shorts. Nasa gilid ito at nagbabasa ng libro may kape at cookies sa harap ng lamesa nya na hindi pa ata nagagalaw. "Hoy napatulala ka dyan? Type mo brad halika tulungan na kita" mukha talagang tanga etong si Jaice ay mali matagal na pala syang tanga.
Umiling nalang ako at tumayo sa inuupuan. Binilisan naman ni Kris ang pagubos sa inorder nya mabulunan ka sana. Naglalakad na kami papuntang exit ng maisipan kong lingunin ulit ang babae kanina. Nagtaka ako ng makitang wala na ito maglalakad na sana ako ulit ng bigla akong mabangga. "S-sorry p-po h-hindi k-ko p-po s-sadya" nahihiyang sabi nung babaeng tinignan ko. Dahil nga may hawak syang kape natapunan nun ang tshirt na suot ko, lagot ako neto kay mama eh puti pa naman baka ako pa maglaba. "Mag-ingat nalang sa susunod Miss Clumsy, ok lang yun ghe" inakbayan ko na si Tres para akayin sila palabas. Buti nalang hindi ko agad sinuot yung jersey ko.
Buong mag hapon ay puro basketball lang ang ginawa ko. Kauwi ko sa bahay ay may bubwit na sumalubong sa akin. "Kuya! Kuya! Nood tayo movie pleaseee may nakita akong maganda!" May pa talon-talon pang nalalaman akala mo bata pa rin. Hay nako Arissa Hesty. "Oo na saglit lang maliligo ako" tumango ito at tumakbo pabalik sa kwarto nya tuwang-tuwa yung bubwit. Pumasok na ako sa sarili kong kwarto para maligo. Pagkatapos ay kumatok na ako sa kwarto ni Ari. "Bubwit saan mo gustong manood?" Binuksan nya ito at itinuro ang laptop na nasa kama nya. "Dito nalang kuya" sumunod naman ako sakanya at agad nyang pinlay ito. Hindi sya excited hindi talaga.
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
Teen FictionA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...