WARNING:Typographical and Grammatical errors ahead
Arissa's POV
Nandito kami ngayun sa lapag nakapabilog sa mga nakakatakam na pagkain. May pizza, soda, ice cream, fries, at chips. Nakauwi na ang iba dahil anong oras na rin kaya kokonti nalang ang nasa backstage. Kumuha lang ako ng isang slice ng pizza at isang soda in can. Ayokong kumain ng marami baka hindi na ako makasama kila tita mamaya tiyak na mag-aaya sya mag mall. Bukas pa naman malalaman ang resulta kaya wala munang magcecelebrate ngayon baka mausog pa haha. Nabobored na ako kaya naisipan kong mag cellphone nalang muna. Wala pa namang text sila kuya or mama alam naman kasi nilang kasama ko sila tito nyan.
Busy ang lahat sa pagkain habang ako ay scroll lang ng scroll sa social media. Umusog naman sakin si Yexa na kasalukuyang may hawak na plastic spoon at ice cream. Tinignan ko sya habang binubuksan ang takip ng ice cream at kung paano sya sumandok dito. Itinapat nya ang kutsara sa bibig ko kaya agad ko itong isinubo. Natawa pa kami kaya nahampas ko sya sa braso. Agad nya naman akong tinignan ng masama pero tumawa rin sya kalaunan.
Nakita ko ang snapchat app sa phone ko kaya napangisi agad sa naisip na kalokohan. Inilibot ko ang paningin ko humahanap ng magandang pwesto para isagawa ang plano. Ang una kong target ay si Yexa na katabi ni Zeff at parehas na kumakain. Napatawa ako ng mahina at agad na iniready ang camera ko. Inalis ko ang sound at siniguradong walang flash na eepal. Lumapit ako ng bahagya sa pwesto nila at itinutok ang cellphone. Umacting pa akong nag iiscroll lang para walang makahalata. Pinress ko ng matagal ang button sa gitna at izinoom pa ito.
Napapahagikgik ako kung minsan lalo na sa kakyutan ni Yexa. Pagkatapos ng time limit ay isinave ko ito at tahimik na humanap ng next target. Naisipan kong si Morrix at Xamiel naman kasi may kanya-kanya silang mundo sa gilid eh malabong mapansin ako. Izinoom ko ulit sa mukha nila yun kaya lalo akong napatawa bago pa man nila mapansin ay nakalayo na ako sa pwesto nila. Napansin kong nagsiuwian na ang iba pagkatapos kumain hindi man lang iniligpit yung pinagkainan naku. Si Kael nalang tuloy last target ko umusog lang ako ng konti at humanap ng magandang anggulo saka izinoom den ang mukha nya.
Nagvibrate ang phone ko at nakita ko ang kaka receive lang na message. Clinick ko ito para basahin.
From: 09*****7***
Rayvier here your favorite handsome cousin. Malapit na matapos meeting nila mama sunduin na lang kita, btw nasan ka?"
To: 09*****7***
Backstage.
Sent.
Sinimulan ko ng ayusin ang gamit ko at magpaalam sakanila. "Guys una na ako ah aalis pa kasi kami nila tita eh tsaka para makauwi na ren kita nalang ulit bukas" pagpaalam ko habang bahagyang nakangiti nahihiya kasi.
"Oh sige ingat ah basta bukas kelangan may celebration haha" sabi ni Xamiel kaya nakitawa na rin ako.
"Go lang Ari kami na maghatid sa friend mo tutal parehas lang naman kami ng subdivision na tinitirhan" medyo nagulat pa ako sa sinabi ni Zeff dahil di ako well informed pero ngumiti ako at nagpasalamat.
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
Teen FictionA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...