WARNING:Typographical and Grammatical errors ahead.
Arissa's POV
Dahan-dahan kong imininulat ang mga mata ko pero agad ko ding itong sinira dahil sa liwanag hinayaan ko munang magadjust ang mata ko at agad ng binuksan ang mga ito.
Sumalubong sakin si mama na halata ang pag-aalala sa mukha."Anak ayos naba ang pakiramdam mo?"agad na tanong sakin ni mama.Dahan-dahan naman akong umupo at agad akong inalalayan ni mama."Ma ayos na po ako wag na po kayong mag-alala tsaka hindi naman masakit ang ulo ko".sagot ko sakanya dahil napansin ko ang benda sa may noo ko."Ma sila kuya at papa nasaan?tanong ko kay mama dahil napansin kong sya lang magisa dito sa kwarto."Bumili ang kuya mo ng makakain habang ang papa mo naman ay inaayos na ang bill para makauwi kana".Alam na alam talaga ni kuya kapag nagugutom nako.
Nakakainis naman kasi yung video na yun eh sana hindi ko nalang pinanood pahamak talaga si annabelle hayst.Pero grabe medyo mataas ang binagsakan ko ah nagulat na nga ako mabibingi pa ata nakuu.
Dumating naman na sila papa at kuya,sinabi ni papa ay pwede na daw akong umuwi alam nya namang ayaw ko sa ospital kaya kahit madaling-araw na ay mas gugustuhin kong magpahinga sa bahay.Buti nalang at 24/7 ang Mcdo dito kaya ayun ang binili ni kuya,agad ko namang kinuha ang paperbag at nilabas ang laman nun."Ayan ma sure na akong maayos na itong si Ari at walang epekto yung pagkakahulog nya kanina,kita mo naman matakaw padin at ang tigas kaya ng ulo nyan paniguradong mas kawawa tiles natin"sabi ni kuya kay mama habang naka tingin sakin na tuwang-tuwa sa pagkain.
Kinain ko yung chicken at rice sabay subo ng fries,gutom na gutom na talaga ako at inaantok na din.Tinignan ko yung wall clock dito at 1:05am na gusto kona talagang matulog.Buti nalang ay pang hapon ang pasok namin bukas kaya makakabawi pa ako ng tulog nito.Pagkatapos kumain ay iniligpit na iyon ni kuya at itinapon sa basurahan.
Nasa sasakyan na kami at inaantok na talaga ako,kaya naisipan kong magcellphone ang kaso lang ay hindi ko alam kung nasaan."Kuya nakita mo ba yung cellphone ko kanina dun sa may hagdan","Ah oo iniwan ko sa bahay nasira yung screen eh nagkacrack" halaa bakit naman nagka crack yun buti nalang ay naka tempered kaya yun nalang ang papalitan.Nanahimik nalang ako ng magsalita si Papa.
"Ano ba ang ginagawa mo sa hagdan ng ganong oras Ari tsaka bat ka naman mahuhulog dun?" naku eto na po ang huhukom sakin hehe."Eh pa nauhaw po kasi ako nun kaya naisipan kong lumabas kaso lang may nagplay na nakakatakot sa cellphone ko kaya nagulat ako ayun hulog"paliwanag ko naman.Si kuya Xender naman ang sumunod "Ayan ano-ano kasing pinapanood kaya nahuhulog eh hindi nalang kasi matulog tsk"pansesermon nya pa sakin."Eh bakit kasi nagpupuyat ka din kuya sa paglalaro ng online games eh bilang lang naman sa kamay ang beses na nananalo ka"pang-aasar ko sakanya kasi naman nagprapractice sya sa online games dahil nga matagal na syang hindi nakakalaro nun simula nagpasukan last month."Alam mo Ari tumahimik ka nalang kapag ako nainis wag kang magpapatulong sa assignment o project mo"eto na nga po titigil na po baka hindi nya talaga ako tulungan shut up na talaga si Arissa.
Pagkadating sa bahay ay agad akong tumakbo kaso ay hinila ni kuya ang laylayan ng t-shirt ko para hindi makatakbo."Sige takbo ka ulit sa hagdan para sa susunod may bukol na dyan sa noo mo",nagmamartsa ako habang naglalakad dahil hindi nga ako binitawan ni kuya hanggang sa kwarto.Pagkapasok ko ay agad akong tumalon para mahiga sa kama,sinindihan ko muna ang aircon at electric fan dahil sa sobrang init.Hanggang sa hindi ko na nalabanan ang antok ko.
Kinabukasan ay 9:28am na ako nagising buti nalang at malalim ang tulog ko at kumpleto kahit papaano.Naligo na ako st bumaba para kumain 11:00am pa naman ang klase ko kaya pwede pa akong kumain ng marami.Pagdating sa hapag-kainan ay wala na si papa dahil maaga ang pasok nya sa opisina,si mama naman ay nanonood ng tv sa sala namin.Pagkaupo ko ay sya namang pagbaba ni kuya mula sa hagdan bagong ligo den ito dahil mas maaga ang pasok nya ngayun kesa sakin.
Sumakay na ulit ako ng jeep papasok sa C.U,nang makarating ako ay napagdesisyonan ko muna na dumaan sa library dahil may meeting pa sila Yexa.Pagkapasok ko sa library ay konti lamang ang mga estudyanteng nandito,karamihan kasi dito ay mas gugustuhing mag mall kesa magbasa.Kung magbabasa man sila ay napilitan o kaya may pinapagawa sakanila.
Dumiretso ako sa shelf na puro tungkol sa animals ang books,hobby ko den ang pag-babasa at tungkol sa mga hayop ang gusto kong pampalipas oras ngayun.Mga 2 oras pa bago matapos ang meeting nila Yexa at ng mga teachers kaya dito na muna ako.Ano ba kasing pinaguusapan ng mga teachers at presidents kada section eh wala pa naman akong ibang kaibigan dito para samahan ako.
Binabasa ko isa-isa ang mga title ng libro yung manipis sana ang hanap ko para matapos ko ngayun.Sumilay ang napaka-gandang ngiti mula sa labi ko ng makita kona ang kanina kopa hinahanap.Agad ko naman itong nilapitan ang kaso lang ay may nabangga ako.Hawak ko ang aking noo sa lakas ng pagkakabangga ko sa pader...wai kelan pa nagkaroon ng pader dito sa mga book shelf?.Unti-unti kong idinilat ang naka-pikit kong mata.
Halos lumabas na ang mata ko sa pagkagulat ng makita ko kung ano o mas tamang sabihin na kung sino ang nabangga ko.Si Kael Sandoval lang naman isa sa mga pinakasikat dito sa C.U ang grupo nya at ang grupo nila Camille ang pinakasikat dito.Nakatingin lamang ito sa akin na parang may iniisip kaya nagpilit ako ng ngiti at humingi agad ng sorry."Ahm sorry hindi ko talaha sinasadya,oo kasalanan ko kasi hindi ko tinitignan yung nilalakaran ko kaya sorry talaga"ulit-ulit kong sinasabi.Ayaw ko ng pati grupo nya ay magalit sakin dahil hindi kona kakayanin manatili pa dito dun.
Isipin mo nalang na isa akong napakaliit na sisiw at nabangga ko ang isang mabangis na lobo,tyak na patay ako.Hindi nga ako tinitigilan nila Camille eh dadagdag na naman ang mga may galit sakin?wala naman akong ginagawa sa kanila kaso lang ay sikat nga ang grupo nila kaya nakigaya ang karamihan.Para namang aping-api yung mga iniidolo nila eh samantalang ako ahh wala hehe nevermind nalang.
Tumango lang si Kael at tinalikuran na ako,sinundan ko muna sya ng tingin kung nagalit nga ba pero mukhang hindi naman kaya nakahinga na ako ng maayos.Kinuha kona ang totoong pakay ko dito sa library at umupo dun sa upuan na ang katabi ay ang glass wall.Napakaganda ng view dito hindi maitatanggi na pribado nga ang paaralan naisip ko kung gaano ako kaswerte dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-aral dito.Nagbasa nalamang ako habang lumilipas ang oras.
Chapter 3 is done!Maayos ba ang flow ng story?comment down your feedbacks and reaction i just wanna hear it don't be shy namamansin po ako haha.Thankyou sa mga nagbabasa at sumusuporta dito sa #BTES kung meron man.
READ
VOTE
COMMENT
FOLLOW are highly appriciated.@MoonShines29
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
أدب المراهقينA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...