WARNING: Typographical and Grammatical errors ahead.
Yexamine's POV
Kamusta na kaya ang napag-usapan nung dalawang yun? Sana naman magkaintindihan sila. Nung nakaraang araw lang din samin sinabi ni Kael ang nararamdam nya para kay Arissa. Syempre sobrang saya namin nun at hindi ko mapigilang mag suggest sakanya kung paano mapasagot si Arissa incase na maisipan na nyang manligaw. Ayos na sana ang lahat nun eh kaso biglang natahimik yung apat. Lahat kami nagulat at the same time nalungkot nung malaman na sa New York na mag-aaral si Kael. Mga magulang nya pala ang nag-decide kaya kahit anong angal nya kailangan nya pa ring sundin iyon. “Effortless ang confession ng kuya natin. Full moon tas late night walk with talk sa seashore. Pero pwede na kahit sino naman kikiligin dun” nasobrahan ng asukal si Natasha kaya nagsasalita na sya mag-isa, kausap nya ata ang sarili nya haha.
“Kung hindi lang namin kayo nakilala at naging kaibigan hindi kami magdadalawang-isip na samahan sa New York si Kael” bulong sa'kin ni Zeff. Nandito pa rin kami sa sala ng hotel room at nanonood ng twilight series. “Huh so you mean magstay kayo rito sa Pilipinas? Hindi ba malulungkot si Kael nyan lalo na nasanay na kayong magkakasama?” kasi naman simula pagkabata magkakaibigan na sila at base rin sa mga nashare na nila sa'min talagang hindi sila napapaghiwalay ng ganun ganun lang. Akala ko nga talaga pati sila sasama kaya nalungkot talaga kami ni Natasha ng sobra. “May mga plano na rin kasi kami. Una palang nakapag-decide na kaming apat na sa Clave University dapat kami gragraduate. Ang kaso lang nagbago ang isip ni tita at naisipang mas mabuti kung nasa New York si Kael”
ang hirap naman ng sitwasyon nila, masakit yung umasa ka sa ibang bagay tapos magbabago lang pala sa huli. Mabuti nalang talaga habang maaga sinasabi kona kay mommy ang mga plans ko para kung hindi sya payag ay magagawan agad ng paraan. Gusto nga rin nila akong ipadala sa Canada dati pero kaibigan kona kasi si Arissa nun kaya hindi ako tumigil kakaiyak. Nung malamanni Arissa yun naiyak din sya para raw kasing sya ang dahilan kung bakit ayaw kong pumunta ron eh makakabuti naman daw talaga para sakin.“BHIE! OWEMGASH ANG SWEET NUNG DALAWA! MAY NALALAMAN PANG PAIYAK-IYAK SI KOYA GUSTO LANG NAMAN MAYAKAP SI ARISSA!!” sigaw ng kakapasok lang na friend namin nila Arissa. Nanlaki ang mata namin sa sinabi nya at agad na nagtanong. Tumakbo siguro sya kaya tinuro nalang nya ang balcony na agad naming pinuntahan. Napasinghap kaming lahat ng makita ang dalawa na mahigpit na naka-yakap sa isa't-isa. Halos lumuwa na ang mata ni Natasha at inaalog-alog ako pero hindi ko sya nililingon. “Akala ko ba conffesion lang ang gagawin nya? Bakit umiiyak yan? Don't tell me busted sya sa friend ko?” mahinang tanong ko kay Zeff habang nakapako pa rin ang tingin sa kanila. Tanaw na tanaw kasi dito ang buong dalampasigan kaya kahit medyo nasa dulo sila nakikita pa rin namin. “Wala ba syang nabanggit sainyo? Ngayon nya na rin sasahihin ang pagpunta nya sa New York kaya umiyam yan. Hayst ang sarap nya sanang asarin kung wala lang syang problema” naka cross arm lang si Zeff at pailing-iling. Hindi naman kami tutol kung magyakapan sila, nagulat talaga kami sa pag-iyak ni Kael. Mabilis ang pag taas-baba ng balikat nya habang nakasubsob ang mukha nya sa balikat ni Arissa.
“Tama ba na panoorin natin sila? Feeling ko kasi naiinvade natin ang privacy nilang dalawa”
bulong ni Natasha at bahagyang inginuso ang lugar kung saan nakatayo sila Arissa.
Sabagay may point naman sya kaya pinagtulungan namin dalawa na hatakin lahat ng mga sumilip papasok sa loob ng room. Pinagpatuloy nalang namin ang panonood habang hinihintay na umakyat yung dalawa.
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
Teen FictionA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...