WARNING:Typographical and Grammatical errors ahead.
Arissa's POV
Maaga ang pasok namin ngayun dahil naghahanda pa kami para sa performance namin mamaya. Kahit na kinakabahan ako ay napakarami pa rin ng nakain ko para may energy. Napagkasunduan naming mag p.e uniform nalang muna at sa school na magpalit ng dami dahil matagal pa kami sumalang sa stage dahil sa dami ng magpeperform. Nilagay ko sa paper bag ang sapatos at sa maliit na bag naman ang damit at shorts naglagay din ako ng konting pampaayos sa mukha at buhok. Pinayagan naman ako nila mama na medyo malate ng uwi dahil gusto nya raw na mag enjoy ako. Tinext kona si Yexa na ready na ako para sundiin, sinabi nya kasing dadaanan nya ang bahay namin para sakanya na ako sumabay. Ng marinig ko ang busina sa labas ay agad akong tumakbo habang dala ang paper bag at nasa likod ko naman ang mini backpack ko.
Pagkabukas ko ng pinto sa front seat nakita ko ang nakangiting mukha ni Yexa habang hawak ang manubela at nakaseat belt. Nilagay ko muna sa likod ang mga dala ko para hindi masikip dito sa harapan. Pinasuot nya muna sakin ang seatbelt bago paandarin. Kahit na excited ako ay mas lamang ang kaba dahil maraming tao ang makakapanood samin kasama na ang mga bisita. Nakakapagtaka nga eh dahil hindi ko na nakausap si insan ang sabi nya ay uuwi sya pero walang exact date. Gusto ko pa naman syang sunduin pero baka may susundo na sakanya.
Hindi ko namalayan na nandito na kami sa parking lot ng university. First time kong makita toh dahil nga hindi naman ako hinahatid o sabihin ko ng ayaw kong magpahatid. Kinuha na namin ang mga dala namin sa backseat at tsaka umakyat sa hagdan para makapasok sa gate. Pinakita namin ang id at binuksan ang bag namin para ipakita ang mga laman. Parang mall lang ang peg pero kasi need ang mahigpit na security dito lalo na yayamanin ang karamihan. Dumiretso kami ni Yexa sa music room kung saan naabutan kong naka idian seat ang mga groupmates ko. Ang mga bag nila ay nasa gilid at may sapatos ding dala. Kinamusta naman agad sila ni Yexa kahit isa lang naman ang isasagot ngayun araw syempre kinakabahan o kaya excited bahala na sila sa dalawang yan.
Kanina pa ako salita ng salita para naman mabawasan ang kaba naming lahat. Ng mapagod ay umupo muna ako para mapahinga ang boses may surprise kami mamaya kaya diko muna sasabihin. Biglang may nag announce na pumunta na raw sa open field ang lahat dun kasi sinet-up ang stage at napakaraming upuan. Hindi kasi kasya ang lahat sa gym buti nalang ay medyo maulap ngayun kaya hindi sobrang init pero hindi naman din makulimlim. Nahahati sa dalawa ang mga kulay ng upuan ang white para sa mga supporters at manonood, ang black na para sa mga magpeperform kada grade level. Nagbunutan nung isang araw kung anong mga grade ang mauuna at mahuhuli. Buti nalang ay nabunot ng representative ng year level namin ay second to the last kaya mapapanood namin lahat ng performances. Kung inaakala nyong isang araw lang ang ganitong pangyayari nagkakamali kayo kasi bukas pa lang iaanounce kung sino ang mga nanalo.
Agad kaming pumunta kung nasaan ang mga black na upuan at umupo sa may bandang gitna. Buti nalang talaga ay tumakbo kami dahil kung hindi mahihirapan kaming makapanood kung nakaupo kami sa likod. Inilabas naman ni Yexa ang mini fan nya at itinutok sa akin na nagpupunas ng pawis gamit ang panyo ko. Sinabihan kasi namin ang lahat na magdala ng tubig at panyo incase na mapawisan at uhawin. Nakakapagtaka dahil walang umupo sa tabi namin ni Yexa eh may apat pang bakante inisip ko nalang na baka naka resserve na ito. Tinext ko muna si insan kung makakapanod sya ng sayaw ko. Bago kasi umalis kanina ay sinabi nyang nasa pilipinas na sya hilig nya talagang mang gulat. Ang sagot nya naman ay oo pero hindi nya raw ako lalapitan kasi hindi nya ako bati. Seriously how childish is that? Tinago ko nalang ang cellphone ko dahil malapit na ring magsimula.
Nakisuyo naman si Yexa kanina na ipasabay nalang yung bibilhin nya sa canteen kapag may pupunta ron na groupmates namin. Dahil nga may mga kaibigan sila ay dun muna sila sumama alam naman nila ang schedule kapag grupo na namin ang sasalang. Nakakaenjoy naman pala panoorin ang mga performances ng mga junior high ang iba ay may nag magic,tumula,kumanta,sumayaw,nag paint, at kung ano ano pang talent ang ipinakita. Kami namang nasa higher level ay mostly kanta pero sayaw ang napili ng adviser namin. Hinati rin kami sa 2 grupo dahil masyadong hassle kung isang section ang tuturuan ganun din naman ang ginawa sa ibang section.
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
JugendliteraturA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...