C39-Traffic Jam

14 4 0
                                    

WARNING: Typographical and Grammatical errors ahead.





Yexamine's POV









Kanina pa nakikipag-usap si mommy sa mag-aayos sakin mamaya. Nagvideo call kami ni Arissa kanina together with Natasha. At syempre ano pang aasahan mo kay Ari eh mas nag-enjoy pa syang nagbike kesa maexcite man lang. Kami naman ni Natasha ay kinikilig nung nabanggit nya kung paano nya naging partner si Kael. "Sweetie take a bath now, para masimulan na ang pag-aayos sayo"
tumango naman ako at umakyat na sa kwarto. Nagsuot muna ako ng maong shorts at black sando tulad ng sinabi nila. Dahil may sarili akong vanity table ay dito ako sa kwarto aayusan. "Natural make-up lang po sana, then sa buhok naman big waves at braid ang iba" idinescribe ko ang braid na gusto ko at kung saang part lang ang may waves. "Madam lagyan nalang natin ng hairclips ang iba para hindi sobrang plain" tumango naman ako at ngumiti para simulan na nila. "Mom anong oras po ako susunduin ni Zeff?" wala naman kaming contact sa isa't-isa kaya hindi ko natanong. Buti naman at before 7:20 nya ako susunduin ayon kay mom dahil wala sa plano kong malate sa ball.











Makalipas ang 40minutes na pag-aayos ay pinatayo na ako para isuot yung gown. Sinamahan naman ako ni mommy sa kwarto para tulungan maisuot 'yon. "You look gorgeous as always, manang-mana ka sa'kin" natatawa akong tumango sa sinabi ni mom habang nakatayo ako sa harap ng salamin. Kamukha ko naman talaga si mom pero may features pa rin galing kay dad. Kaya naman kilala ako ng mga business partners nila simula bata palang. "Wear your heels, nandyan na si Zeff sa baba"
nakaramdam ako ng panic kaya sinuot kona agad ang heels. Natawa naman si mom sa ginawa ko kaya inayos nya ang iilang hibla ng buhok na napunta sa harap ng mukha. Yinakap ko naman si mom dahil nagiging emosyonal na sya. Napahiwalay lang kami ng marinig ko si yaya na sinabing may bisita at nasa living room na. Huli kong isinuot ang simple necklace at isang bracelet. Bago lumabas ay tinignan ko ulit ang sarili ko hanggang makuntento.













Nakahawak ako sa braso ni mom habang bumababa sa hagdanan. Nakatalikod habang nasa bulsa ang dalawang kamay ang sumalubong na Zeff sa'min. Kunwaring umubo si mama para humarap na sya kaya mas lalo akong ngumiti. Umawang ang bibig nya sa sobrang gulat kaya hindi ko na napigilan ang pagtawa. Kahit si mommy ay sobra na ang pagkakangiti habang palipat-lipat ang tingin sa'ming dalawa. "Goodevening po, sorry sa reaction ko nagulat lang talaga" tumango lang ako para ipaalam na hindi naman ako nagalit. Sinuot kona ang eye mask ko ganun din ang sakanya saka kami nagpaalam kay mommy para umalis na. Pinagbuksan nya ako ng pinto sa front seat at sya naman ang magdadrive.











"Charming. Dazzling. Graceful. That's all i can say" nilingon ko agad sya dahil nakatingin ako sa bintana. Napangiti naman ako ron kahit na matagal ko ng alam haha. "Thanks, you look attractive too" pinalobo ko ang dalawa kong pisngi at umiwas ng tingin. Nagfocus nalang ako sa daan hanggang makapunta sa Clave University. Nakangiti sya habang pinagbubuksan ako ng pinto. Nakangiti ko ring iniabot ang kamay ko sa nakalahad nyang palad. Isinabit nya iyon sa kanyang braso bago kami magkalad.









Arissa's POV








Napatigil sila sa pagkuha ng picture sa'kin ng makarinig kami ng busina sa labas ng gate. Sumilip kaagad sila tita, mama, kuya, pati na rin ang mga nag-ayos sa'kin kanina. Nagcross arm nalang ako at nakatingin ng matalim sakanila. Parang may nagbusina lang eh hindi na ako pinansin edi dun na sila sa kotse na yun. Ngumuso nalang ako at padabog na dinampot ang clutch shoulder bag kulay silver at puno ng glitters. May lamang  cellphone, at konting pang retouch. Chinat ko muna si Yexa kung tapos na ba sya at nireply nyang hinihintay nya nalang si Zeff. Si Zeff pala ang kapartner nya hindi kasi nya nabanggit sa'min o biglaan lang din kaya ganun. "Andyan na yung sundo mo, wag ka ng ngumuso" nilingon ko si kuya para tignan kung seryoso ba sya. Sunod-sunod na tumango naman sila mama kaya napatayo ako bigla. "Seryoso? Akala ko naman artista yung bumusina kaya hindi nyo nako pinansin" nakatalikod ako sakanila ng magsalit dahil tinitignan kopa ang sarili ko sa salamin. "Pang-artista naman kasi ang itsura! Adonis na Adonis eh fafabels talaga!" nagtilian pa sila dahil sa sinabi nung baklang nag-make up sakin.











BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon